Nandito kami sa labas ng bahay. Mainit kasi sa loob parang tinu-tusta ka. Kasama namin si Mama, si Drixx, at ang mga kaibigan ni Mama. Nakaupo kami doon hanggang sa umambon.
"Ma, liligo ako sa ulan." Sabi ko kaya at tumango naman si Mama sabay takbo patungong bahay. Ayaw niya daw kasi maligo ng ulan.
"Liligo ka ulan?", sabay lapit sa akin ni Drixx.
"Oo." Sagot ko naman kaya napangiti siya. At nagsunod-sunod ang pagpatak ng ulan.
"Tara, labas tayo." Sabi niya. "Paalam kita kay Mama." Kaya ayon nagpaalam siya at dali-dali naman siyang tumango. At hinila ako ni Drixx palabas ng subdivision.
"Saan tayo pupunta?", tanong ko.
Umupo kami doon sa taas ng ilog. Peaceful rin ang lugar na ito dahil may puno ng narra, puno ng sampalok, at puno ng mangga.
Nag-kuwentuhan lang kami nang kung ano-ano. Habang tuma-tagal kasi ay lalong lumalakas ang ulan. Habang nakaupo kami ay nakikita naming ang patuloy na pag-agos ng tubig sa ilog. Hindi naman madumi ang ilog dahil mga tuyong dahon lang ang sumama sa agos. No'ng bata nga daw sila Drixx ay ditto siya naliligo.
Habang nagtatanggal ako ng mga dahon ay biglang hinalikan ni Drixx ang noo ko. Mga ilang ulit naulit iyon. Humarap ako sa kaniya at nahalikan ako sa noo at ang sunod ay sa labi.
Pinalo ko naman siya dahil nambibigla siya.
Bawian ko nga siya.
Tumayo ako samantalang siya ay nakaupo. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. At ayon napangiti siya sa ginawa kong paghalik sa kaniya.
"Isa pa nga." Nangingiting sabi niya. Kinikilig siya for sure.
"Ayoko nga... Okay na 'yon." Sabay upo ko sa tabi niya.
"Ako na lang gagawa." At pilit niyang pinaharap ang mukha ko sa kaniya. At dahil malakas siya ay nahalikan niya ako sa labi. At ayon, namula siya.
100% kinikilig si Drixx.
"Kanino galing 'to?", tanong niya sa dalawa kong singsing sa magkabaliaan kong gitnang daliri.
Una kong tiningnan sa kanan. "Bigay 'to ni Jaimie, kaibigan ko." Sabay hawak sa singsing na heart ang design paikot. Tiningnan ko naman ang kaliwa. "Bigay naman 'to ni Shane."
"Bakit may nakalagay na CES Dancer?", tanong niya, nakita niya kasi iyon nang hubarin ko.
"Ewan ko, kay Shane 'to galing eh."
Actually, nag-CR kami n'on ni Lanie. Tapos an sumunod naman ay sila Shane at Michelle, pagbalik nila ay dala na nila yong singsing na may nakasulat na CES Dancer. Sinabi kasi ng maintenance doon sa CR ay baka naiwan lang daw ng mga kaibigan niya. Binigay naman kaagad nila Shane sa akin yon, dahil akala niya ay sa akin iyon at naiwan ko lang sa CR. At dahil na din sa aming lahat ay ako ang mahilig sa singsing.
"Eh sino naman yong nasa photo na may naka-hawak sa bewang mo? Akala ko ayaw mo n'on?", kunot-noo niyang tanong.
"Biglaan kasi 'yon." Lalong kumunot ang noo niya. "Grupo kasi ng mga dancers yon." At tumingin ako sa ilog-kumbaga nakatalikod ako sa kaniya.
"Hindi na nga po eh." Sabay halik sa ulo ko. "Akin ka lang." sabi niya pa.
"Opo promise." Sagot ko at pinaharap niya ako sa kaniya.
Nang tumayo ako para mag-inat-inat ay niyakap niya ako mula sa likod at dali-dali naman akong humarap sa kaniya. At niyakap ko siya pabalik.
"Sana hindi na 'to matapos..." bulong niya kaya napangiti na lang ako.
Nang makaupo kami sa may gutter ay may napansin ako sa kaniya.
"Ang taba mo na pala oh." Biro ko sa kaniya. "Ako din oh." Sabay tingin sa tiyan ko.
"Ang laki naman ng bilbil mo." At sinamaan ko siya ng tingin. At hinawakan niya ang tiyan ko. "Paano kaya kapag baby na ang laman nito?"
At natawa kaming dalawa.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Fiksi RemajaSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
