Nandito ako sa kuwarto. 6:30 PM na ng gabi pero simula pa kanina ay hindi pa ako bumababa. Yes, bumababa ako tuwing kakain but after that, umaakyat na kaagad ako sa kuwarto. At doon na ako nagku-kulong.
Hindi naman kasi ako inaantok kaya nakaupo lang ako sa kama.
At kahit nga sa pag-kain ay nawawalan ako ng gana.
Hindi ko alam pero gusto ko na lang mawala.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya Reign na hawak-hawak ang cellphone ko.
"Ito na ang cellphone mo..." Tumayo ako at kinuha iyon mula kay Kuya.
"Itigil mo yan ah." Napatingin ako kay Kuya pero umalis na siya.
Sinarado ko na lang ang pinto at naupo na lang ako. Bigla na namang tumulo ang mga luha ko. Kahapon pa ako umiiyak at akala ko ubos na ang mga luhang iyon. Mayroon pa palang natitira, at ito iyon ngayon. Lumuluha pa din ako.
Bakit ba kasi kung kailan masaya na ako, doon nagugulo ang lahat?
Bakit ang unfair na naman sa'kin ng mundo?
Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Namumula na naman ang mga mata ko. Nang hindi na ako masyadong naiiyak ay kinuha ko na ang cellphone ni Drixx sa drawer ko at lumabas ng kuwarto.
Binigay niya kasi sa akin ito kahapon, no'ng kinuha ni Kuya Reign ang cellphone ko. Binigay niya ito sa akin at sinabing hiramin ko muna at gamitin. Hindi naman daw kasi ako online, so bakit pa daw ba siya mago-online. Eh tapos ako, ano namang gagawin ko sa cellphone kaya itinago ko na lang sa drawer at today, ibabalik ko na ito sa kaniya.
Binuksan ko yong gate at nandoon si Drixx na pawis na pawis. Kakagaling lang niya kasi sa basketball doon sa likod. Diba nga may half court na nandito sa subdivision namin?
"Umiyak ka na naman." Lungkot niyang bungad sa akin.
At nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Bigla na lang akong naiyak sa harap niya.
I don't know why pero makita ko lang siya na malungkot ay tila ba nalulungkot na din ako. What more pa kaya kapag iniwan ko siya?
He even told me na magpapakamatay siya kapag iniwan ko siya. O di kaya naman ay sasali siya sa isang fraternity o kaya naman ay magiging lasinggero. Kinonsensya pa ako.
Siyempre ayoko namang mangyari iyon nang dahil sa akin. Baka sugurin ako ng family niya.
"Hindi ah." Sabi ko sa kaniya sabay punas ng mga luha na nasa pisngi ko.
"Anong hindi? Namumula nga yang mata mo eh." At tumulo na naman tuloy ang luha ko dahil sa mga sinabi niya.
"Shh. Huwag ka na umiyak. Nandito lang ako." Sabay yakap sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik. Mas mahigpit ko siyang niyakap na akala mo hindi kami nagkita kahapon. Bakit ba? Namiss ko ang taong ito eh.
And that hug made my nerves calm. Niyayakap ako ng mundo ko eh. The sweetest thing for me.
Bumitaw ako sa yakap niya at binigay ko sa kaniya ang cellphone niya.
"Sa'yo na muna yan." Sabi niya.
"Hindi, sa'yo na yan. Binalik na ni Kuya ang cellphone ko eh." Tumango naman siya at kinuha ang cellphone niya sa kamay ko.
"Ano sabi ni Kuya mo?"
"Itigil ko na daw 'to." At doon siya napatahamik at napayuko. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Hindi ka naman makikipag-break diba? Hindi mo na ulit ako iiwan?", tanong niya sa'kin. Pero imbis na sumagot ako ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Ficção AdolescenteSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
