Bumangon ako sa double deck nang dahan-dahan kaya lang...
"Aray!", napasigaw ako sa sobrang sakit.
"Anong nangyari sa'yo?", tanong sa akin ni Kuya Loel.
"Eh nauntog ako eh." at bumaba ako sa double deck.
Yong ulo ko kasi nauntog sa double deck. Kaya nga ako nagdadahan-dahan eh para hindi mauntog tapos mauuntog lang din pala ako.
"Nauntog kasi ang kapatid ko." rinig kong sabi ni Kuya Loel sa katawagan niya. If I know, girlfriend niya iyon.
Pero bago pa ako makalabas sa kuwarto ay may narinig na naman ako mula kay Kuya.
"I love you mahal ko." lumabas na lang ako dahil ang haharot nila.
( Bakit ka umaray kanina? ) tanong ni Dobi sa kabilang linya.
"Eh kasi po nauntog ako sa double deck."
( Eh ano bang ginawa mo? ) tanong niya ulit.
"Eh bumaba ako eh."
( Bakit kasi hindi ka nagdadahan-dahan? )
"Sorry na... Sorry na.."
( May tanong ako. )
"Ano yon?"
( Nahuhulog ka na ba? )
"Hindi pa... Nakakapit pa kasi ako sa taas. And alam kong fire sa baba. Then kapag nahulog ako, masusunog ako." sagot ko
( Pupunta ako doon... Ako yong bumbero. )
Napatahimik ako... Ganoon din naman siya.
"Isa-save mo ko?"
( Oo... I'm just here. Ready to catch you... )
Anong ibig niyang sabihin?
"Gutom lang yan."
( Siguro hahaha... )
Gutom kasi ako... Eh kakakain ko lang ng dinner gutom agad ako. Ilang bulate kaya meron sa tiyan ko?
"Chat na lang tayo." sabi ko.
( Sige sige... Online ka ah... )
"Opo..." at pinatay ang tawag.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng buko pie sa refrigerator at umupo sa dining table. At maya-maya ay nag-chat si Dobi.
Dobi: Uy
Sophia: Ang harot ni kuya
Wala kasing topic, ayaw mag-isip ni Dobi. So, ako na magbibigay... Ako na mag-adjust.
Dobi: Paano naman naging maharot?
Sophia: May katawagan din kasi siya nong nauntog ako
Dobi: Bakit ka nauntog
Sophia: Kasi nga nong bumangon ako. Nauntog ako tapos sabi ni kuya sa akin. Ano nangyari sa'yo?
Dobi: Ah nong kausap mo ko... Kausap mo rin kuya mo?
Sophia: Oo hahaha... Pero saglit lang.
Dobi: So si kuya ko maharot?
Napatigil naman ako sa ni-reply niya. May kuya? Baka na-wrong send lang 'to?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Fiksi RemajaSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
