Chapter 73

2 0 0
                                        

Nandito ako sa court na inayos nila Drixx noon. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Para bang paggising ko ay nandito na ako, nakatayo.

"I'm sorry." Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may bigla akong marinig na nag-salita.

"I'm sorry." Pag-uulit niya. Kaya napaharap ako sa likod ko at nakita ko siya.

Nakaluhod siya sa aking harapan.

"I'm sorry." At lumapit ako sa kaniya. Nakatayo ako sa harap niya at siya naman ay nakaluhod.

Drixx is kneeling in front of me.

"I'm sorry." At unti-unti siyang tumingin sa akin at nakita kong magang-maga ang mga mata niya.

Hindi ko mahawakan ang pisngi niya. Para sana man lang ay haplosin ang pisngi at punasan ang mga luha niya. Gusto ko ring sumagot sa kaniya. Pero parang wala yata sa ulirat ang aking katawan upang punasan ang luhang iyon. Maski pagsasalita ay hindi ko magawa.

Nakaluhod lang siya sa aking harapan. Lungkot, sakit at awa ang nararamdaman ko sa nakaluhod na Drixx sa aking harapan.

Hindi ko na rin napansin ang aking mga mata na unti-unting nanglalabo dahil sa luhang tumulo sa aking mga mata.

"I'm sorry." Huling salita na narinig ko bago unti-unting dumilim ang paligid.

Nagising ako sa aking kama at nakita ang ceiling na nasa itaas. Napahinga ako ng malalim dahil isa na namang panaginip iyon. Panaginip lang iyon. Ulit.

Pati ba naman sa panaginip may pangyayaring ganoon?

Bumangon ako at tiningnan ko sa aking cellphone kung anong oras na. 11:00 AM. Ang hapa pala ng tulog ko ngayon.

Dumiretso ako sa CR para maligo na dahil pupunta ako kila Shane ngayon. Gagawa kasi kami ng Itinerary. Ang itinerary na iyon ang magsisilbing Prelim Exam namin. Exam namin iyon sa isang subject na gagawa ng Siargao Itineraries for a 3 day tour.

Kakastart lang ng 2nd Sem nong first week ng February at hindi ko yata napansin na last week na ngayon ng February dahil sa pagiging in love ko kay Drixx at pagdadamdam dahil sa break up naming dalawa.

Magpapa-tulong ako sa kaniya dahil alam kong wala akong maiisip at magagawa dahil sa break up namin ni Drixx kahapon. Wala akong ganang gumawa at kumilos dahil sa nangyari kahapon. Pero need kong gawin ang gawain na iyon dahil baka bumagsak ako.

Habang naliligo ako ay napatingin ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko.

May mga luha sa dalawang mata ko na gustong-gusto nang bumagsak. Mga matang sinasakop ng lungkot. Mga matang hindi makakapag-sinungaling na nasasaktan siya. Iyon ang nakikita ko sa aking mga mata. Naawa ako sa sarili ko.

Kada gustong umiyak ng mata ko ay pinipigilan ko iyon. Ayokong umiyak. Ayokong maging mahina sa bagay na ito.

Napabuntong-hininga ako sa harap ng salamin.

And I faked a smile.

Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka din Sophia.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now