A smile is such a magic language that even a baby understand it.
Here's the chapter 6. Hope you like it and
Just smile :)
_________________________________________________________________________________
Pagkatapos kong kumain ay pumunta agad ako sa kama.
Nakakapagod 'tong araw na Ito. Buong araw kasi ay nanood kami ng sayawan sa school. Hiyawan at kung ano-ano pa. Foundation week na kasi ngayon. At next week, balik aral na ulit. Tapos mid-term next next week. And after that sem-break na. Haay..
Ewan ko ba kung bakit ako napagod eh nakaupo lang naman ako kanina. Si Shane, ayon paos na, pa'no ba naman kasi, hiyaw ng hiyaw. Dahil nga sa pagod ay nakatulog na ako.
* * *
'Sabay na tayo?'
Text ko kay Matthew.
Maya-maya ay nakita niya ako at nakita ko siya tapos bigla niya akong pinayongan. How sweet of he?
Maya-maya biglang nag-blur ang lahat.
We're in the bench of our school. Magka-hawak ang kamay naming dalawa. At nag-tawanan.
"Ang sweet ah." biglang sulpot ni Shane, kasama niya ang iba naming friends. Natawa lang si Matthew kaya nakitawa na lang ako.
"Dito lang kami... Usap lang kayo... Don't mind us." Sabi ulit ni Shane at umupo sila sa kabilang bench.
"Okay... Bakit di mo 'ko pina-pansin dati?", tanong ko sa kaniya. Kaya napatingin siya sa'kin.
"Wow... Ako pa sinisi mo ah." sabay akbay niya sa'kin.
"Oo... Ikaw kaya yon."
"Ikaw nga yong hindi namamansin." sagot niya kaya natawa na lang ako.
* Kriiing Kriiing *
Napabangon ako at pinatay ko ang alarm clock.
Napahawak ako sa ulo ko.
Si Matthew? Nasa panaginip ko?
Wait... Panaginip nga ba talaga iyon?
Pero... Bakit parang totoo?
Pinakiramdaman ko ang puso ko at ang bilis ng tibok niyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at si-nearch ang pangalan ni Matthew sa Facebook. Nang makita ko iyon ay bigla akong nalungkot sa nabasa ko.
'I miss you Aileen.'
He already had a girlfriend.
Matthew is my crush since I was junior high school until now... Maybe...?
Siguro nga, mahal na mahal ko pa siya hanggang ngayon.
Siguro mas mahal ko pa siya kaysa kay Drixx.
Inilapag ko ang cellphone sa bedside table ko. At pinilit kong matulog pero ayaw na ng utak ko.
Bakit ngayon ko lang ulit siya napanaginipan?
Inisip niya ba ako kagabi?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
