Chapter 79

2 0 0
                                        

Naka-titig lang ako sa screen ng cellphone ko. Ina-absorb ang nabasa kong chat mula kay Jhon. At ang sabi lang naman niya ay...

Monumento na po kami...

Akala ko hindi totoo na pupunta siya dito sa lugar namin. Akala ko nagbibiro lang siya. Akala ko pagod lang siya. Akala ko lasing lang siya kagabi kaya naisipan niyang magpunta rito sa amin.

Pero hindi...

Kagabi kasi ay sinabi niya lang sa akin na pupunta silang Quiapo para bumili ng kimono. At kung ano man iyon ay hindi ko alam. Para raw sa martial arts. Nakauwi siya 10 minutes before 10 ng gabi. At maya-maya bigla na lang niyang sinabi.

Jhon: By the way, may pasok kayo bukas?

Sophia: Wala naman po. Why?

Jhon: Punta ako bukas?

Kumunot pa ang noo ko no'n dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Sophia: Hah?

Jhon: Punta ako sa inyo bukas

Napalaki ang mata ko n'on dahil sa gulat.

Bakit siya pupunta? Ano naman ang gagawin niya?

Sophia: May gagawin yata rito sa bahay bukas eh

Kunwari lang iyon dahil baka magulat sila Mama na may ibang lalaki akong dinala rito sa bahay bukod kay Drixx. Ano na lang ang sasabihin ni Mama diba?

Jhon: Kahit sa bahay ng classmate mo, kay Dina?

Natawa ako sa sinabi niya.

Sophia: Sige, I'll ask Dina later.
Sophia: Anong oras kayo punta? Puwedeng hapon na lang?

Jhon: After ng class namin punta na kami diyan

Sophia: Anong oras?
Sophia: Kami? Ibig sahihin may kasama ka?

Jhon: 10-12 lang po pasok namin bukas
Jhon: Opo, kasama ko isang classmate ko

Tumango-tango lang ako.

Sophia: Sige, kayo ang bahala

Jhon: Mari-redeem ko na rin ang kiss ko bukas.

At natawa ako sa sinabi niya

Sophia: Ayon talaga ang pinunta mo dito 'no?

Jhon: Hindi naman
Jhon: Siyempre para makita ka

Napangiti na lamang ako sa sinabi niyang iyon.

Ayon nga, akala ko joke-joke lang niya iyon. Kanina rin kasi nagsabi siya na papasok na siya. Nag-reply naman ako n'on ng ingat ka at kung tuloy ba. Pero si-neen lang ako ng lalaking iyon. Aba-aba!

Tapos mababasa ko ngayong 1:30, bigla na lang niyang sinabi na nasa Monumento na sila. Ang bilis naman? Eh sabi rin naman niya ay may pasok sila. 10-12 pa nga raw diba. Pero tingnan mo, 1:30 pa lang at nasa Monumento na sila.

Sophia: Ui easy lang kayo

Jhon: Hindi ko kasalanan 'yon HAHAHA
Jhon: Mabilis yong bus

Sophia: Dapat sinabihan niyong bagalan muna niya.

And then he called. Hindi ko sinagot kasi nga diba nasa CR ako. Nagmamadaling maligo.

Jhon: Tagal nga umalis eh
Jhon: Nag-aantay pa pala ito na mapuno HAHAHA
Jhon: Napapa-tiktok tuloy ako ng wala sa oras HAHAHA
Jhon: Paalis na 'yong bus

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now