Chapter 1

66 4 0
                                        





"Ang tagal mo ah." Bungad sa akin ni Shane nang maka-apak ako sa lupa ng bahay nila.



"Umalis kasi kami." Sagot ko na lang. Hindi naman talaga kami umalis eh. Sadyang ayoko pang umalis dahil gusto ko pang kumain ng coffee jelly. Kung hindi lang talaga ito project sa Filipino ay hindi na ako pupunta doon sa stage play na iyon.



"Osya, tara na. Baka wala pa tayong maupuan do'n." At hinila na ako ni Shane palabas ng subdivision nila at pumunta sa pinaka-malapit na highway at sumakay sa dyip.



Medyo traffic pero hindi naman heavy. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa SM. Hinanap namin ang cinema 4 dahil nandoon ang adviser naming cute. HIHIHI :) Nasa kaniya kasi ang ticket namin. Hindi naman nagtagal ay nahanap namin siya. Binigay naman agad iyon ni Ma'am at pinapila kami agad dahil baka wala na daw kaming maupuan sa loob. And within 5 minutes ay magsisimula na ang stage play.



Malapit na kami sa pinaka-dulo ng pilahan nang tawagin kami ng president naming si Jaidy.



"Ui... Dito na kayo pumila. Ang haba ng pila oh. Tabi-tabi na rin tayo." Oo bga, ang haba ng pila. Late nga talaga kami.



Walang pag-aalinlangan at hinila ako ni Shane at pumunta sa likod nila Jaidy.



Nang makapasok kami ay sobrang dilim sa loob.



Haays. Hindi pa naman nagsisimula ang stage play ay patay na ang ilaw. Muntikan na tuloy akong mahulog sa hagdan pati si Jaidy kanina. Tumingin kami sa mga upuan pero wala nang mauupuan.



Pakshiiit naman oh. Don't tell me tatayo kami ng tatlong oras dito sa loob?



"Ayon oh. Marami pang upuan doon." Sabi ni Jommel.



"Tara." Sabi naman ni Shane.



Pero bago kami maglakad ay may humarang sa'min na isang bakla.



Dinala niya kami doon sa tinuturo ni Jommel kanina pero hindi kami pinaupo dahil may naka-reserve daw. So, ang ginawa ay pinaglagyan ng monoblock chair sa gilid katabi ng mga upuan.



Katapat ko si Shane. Nasa gitna kasi kami. Tapos ang malala pa ay nakatutok sa amin ang ilaw. Nakaka-bulag tuloy.



Maya-maya ay may naglakad na lalaki sa gitna namin at umakyat sa stage. Malapit kasi kami stage.



"Ready na ba kayo?", tanong nong lalaki.



"Opo!", sigaw ng mga ka-batchmates ko.



"Okay. Let's start. Cellphone is not allowed." Sabi nong lalaki at bumaba sa stage at pinatay ang ilaw.



Maya-maya ay in-on ang ilaw doon sa naglalakad at gumaganap bilang Dr. Jose Rizal.



At ang guwapo nong gumaganap hahaha...



At maya-maya sa gilid namin ni Shane sila dumaan, diba nga kami ang nasa gitna. Hahahaha.



At mamaya na lang ulit manonood pa ako. :)





I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now