If you did not start out the day with a smile, It's not too late to start practicing from today.
Kaya smile na... :) Here's the chapter 2
Hope you enjoy :)
_________________________________________________________________________________
"Una na kami sa inyo ah." sabi ni Lanie.
"Oh sige kayo bahala." sabi naman ni Shane. At umalis na sila.
Nandito kami ngayon sa Mcdonald, after ng stage play ay nagkayayaan na kumain sa Mang Inasal kaya kumain kami. After no'n ay nagkayayaan nang umuwi. Pero nagpa-iwan lang kami nila Shane sa kadahilanang gusto naming mag pa-picture sa mga gumanap sa stage play.
Actually 6 PM pa naman ang tapos ng stage play. Pagkatapos kasi namin ay I ang year level naman ang nanuod. Eh 4 pa lang naman ay kaya ang ginawa namin ay inikot muna namin ang SM. Nagpunta muna kami sa National Bookstore, sa Department store, at sa groceries.
After naman no'n ay tumambay kami sa food court kung saan malapit lang doon ang cinema 4.
5:00 PM pa lang, sobrang tagal pa ng oras. Haay... Tapos nakakagutom pa dahil sa amoy ng mga pagkain dito.
Bakit ba kasi dito kami sa food court?
I tap the Snapchat app at nag-selfie. Pose here, pose there. Bakit ba? Walang magawa eh.
Si Shane naman tamang online lang sa Facebook.
"Tara na, labasan na yata nila. 6:05 PM na oh." napatingin ako kay Shane at sa oras ng wrist watch ko. And it's already 6:05 PM na. Gosh, baka palabas na sila.
"Tara." at tumakbo na kami papunta sa cinema 4.
So, nakarating kami sa cinema 4 at ang dami na ngang tao palabas, at madami ding nag papa-picture sa mga cast.
Ang gu-guwapo ba naman kasi. Crush ko na yata ang gumanap ng Dr. Jose Rizal. Kay Shane naman at yong gumanap bilang Joselito.
"Kuya, puwede pong pa-picture?", tanong ni Shane doon sa gumanap ng Dr. Jose Rizal.
"Okay sige..." inakbayan niya ako. "Dito tayo, madilim eh." at umusog kami ng kaunti at ngumiti kaming dalawa. And then Shane capture it.
"Thank you sa pag-suporta sa'min ah." ngiting sabi niya. Gosh, ang pogi niya talaga. May dimple. I think I have a crush on him.
"Thank you din po." sagot ko.
"Ipo-post niyo ba yan? Tag niyo ko ah." sabi niya at natawa kami pati na rin siya. At niyakap niya ako.
Pumunta naman agad kami doon sa gumanap bilang Joselito ay nag pa-picture kami.
Pagkatapos naman niyon at pumunta kami ng Mcdonald at umorder ng McFloat. Nauhaw kami eh, pagkatapos naman niyon ay umuwi na kami.
"Crush ko si Joselito."
"Ako din. Crush ko si Rizal." at nag-apir pa kami. Crush ko na nga talaga siya.
Pagdating ko sa bahay ay Inis-talk ko kaagad ang account nong Rizal at Dene Gomez ang true name niya.
Ganoon na din ang kay Shane.
Kaya ang saya namin.
Hahaha. Ang guwapo talaga niya. At dahil nakatitig na lang ako sa picture ni Dene Gonez ay si-nave ko lahat ng mga pictures niya.
May crush na talaga ako sa kaniya.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Novela JuvenilSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
