Napabangon ako sa aking kama ng pawis na pawis kahit na malamig dito sa loob dahil naka-full na ang aircon. Pero kahit na ganoon ay pawis na pawis pa rin ako na akala mo tumakbo ako ng napaka-layo. Pero kung tumakbo naman ako ng malayo eh hindi naman ako hini-hingal. Sadyang pawis na pawis lang.
What the hell did just happen?
Bumaba ako sa aking kama at nagtungo sa harap ng salamin saka bumuntong-hininga.
Napanaginipan ko kasi na nasa probinsya ako. Doon sa bahay ng Tita ko. Nakaupo raw sa isang mahabang sofa. And then may katabi akong isang lalaki. And guess what?! Ka-tawanan ko ang lalaking iyon. Magka-hawak pa kami ng kamay.
Napa-roll eyes ako sa reflection ko sa salamin.
Eh kasi naman ang linaw ng mukha doon sa panaginip ko. Tapos paggising ko, biglang nakalimutan ko 'yong mukha?!
Iyong tipong ang linaw ng mukha niya sa panaginip ko tapos paggising ko kung hindi man nakalimutan, blurd naman ang mukha. Like WTF diba?!
Inalala ko pa ng ilang segundo ang mukha ng lalaking iyon pero sumakit lang bigla ang ulo ko. Uminom din kasi kami kahapon nila Andrew.
Must be the hangover.
Nakakainis! Nakakatampo! Piste!
Pero ayon nga, sino 'yong lalaking iyon? 3 years ago, may napanaginipan din akong katulad nito.
And until now ay tandang-tanda ko pa rin ang sinabi ni Ate Gretchen about sa panaginip na iyon.
Pero ang tanong ngayon, sino ang lalaking iyon? Same lang ba sila ng lalaking napanaginipan ko 3 years ago? Pero feeling ko parang hindi eh. Parang magkaiba sila. Pero ayon nga, sino iyon? Sino sila?
Tiningnan ko ang wall clock ko at 9:30 na ng umaga. 12 ang pasok ko ngayon kaya need ko na kumilos kaya kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok ng CR para maligo.
Wala namang masyadong nangyari noong mga nakaraang araw. At the first week of November ay nagpunta kami ni Shane sa SM Megamall. Doon kasi si-nelebrate ang birthday niya, 19th birthday to be exact. Kumain lang kami sa labas. Kaming dalawa lang dahil iyong ibang friends namin ay busy.
Kumain at gumala lang kami doon sa Mall. Sa kakalakad namin ay nakita namin iyong gumanap na Berta sa Pepito Manaloto. Ang ganda niya pala in person, ang tangkad pa. Edi sana all.
Pagkatapos n'on ay napag-pasyahan na namin na umuwi. Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Shane hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na school.
University ni Jhonriel.
Dahil nakita ko ang university na pina-pasukan ni Jhonriel ay naalala ko tuloy siya bigla. Napatanong na lang din ako sa sarili ko kung kamusta na kaya siya? Is he doing great?
And then last Thursday naman ay nagpunta kaming magka-kaklase sa Quiapo. Nagsimba.
Nanalangin.
Nanalangin kay Papa God na sana bumalik na si Bakulaw sa akin.
Oo it's been two months, pero ayon nga, hinihiling ko pa rin na bumalik na sana siya. Sana before mag-pasko, bumalik na siya.
No'ng Monday naman ay pre-finals exam namin. Nasagutan ko naman lahat. Ayon nga lang, hindi ko alam kung tama.
Mabilis na ang mga araw. Sa sobrang bilis ay sa December 17 at 19 ay finals na namin. And that's two weeks from now.
Kamusta naman ang mga utak namin n'on diba? Sabog-sabog na.
I'm too consumed with my own life.
Sa totoo lang ay medyo napapagod na ako with my life.
Are we too young for this?
Feels like I can't move

YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019