Nandito kami sa labas ng bahay namin. Nagpapa-hangin dahil masyadong mainit sa loob ng bahay.
June na nga pala pero wala pang pasok. Biruin mo June na pero mukhang summer pa din dahil sa sobrang init.
Si Mama ay nandoon at kausap si ate Baby at kaming dalawa ni Tiffany ay nagpi-picture sa snapchat. Maya-maya ay tumayo si Mama at pumunta sa amin, at bigla na lamang sumali sa picture. At umalis si Tiffany.
Maya-maya habang nkatayo si Mama ay nakita niya si Edwin, kuya ni Maymay, kaya ayon biglang nagsalita si Mama.
"Alam mo, may manliligaw ako dati, Edwin din ang pangalan." At napatingin bigla si Edwin at ayon natawa.
"Matangkad yon, guwapo, maputi." Dagdag pa ni Mama.
"Guwapo din naman ako ah." Sabi ni Edwin kaya natawa kaming apat nila Drixx. Nakaupo siya doon sa kabilang gilid.
"May manliligaw din ako noon, kaya lang matangkad kaya hindi ko sinagot."
"Madami akong manliligaw noon."
"Sana all... Maganda." Dagdag ko pa kaya nagtawanan kami ulit.
"Oo, siyempre maganda ako."
"Pero si Kuya Foreman talaga yon eh." Sabi ko kaya lal silang nagtawanan.
"Bumi-bisita lang 'yon." Sagot naman ni Mama.
"Araw-araw namimigay ng pagkain. Kahapon pizza, no'ng isang araw apple." At nang tingnan ko si Drixx ay grabe ang tawa niya. Alam niya kasi about doon dahil sinasabi ko sa kaniya iyon.
"Siyempre, ganoon dapat kapag bumi-bisita, hindi ba Edwin?", tanong ni Mama.
"Oo, dapat lalaki nagbabayad." At tumingin naman sa akin si Edwin. "Yon na magiging Daddy mo." Dagdag pa ni Edwin kaya napatawa kaming lahat. This past few days kasi ay may ka-text si Mama. At ayon nga si kuya Foreman. Akala pa ni Mama ay hindi ko malalaman. Spy yata itong bunso niyang anak.
Umupo ako sa gutter at umupo si Mama sa tabi ko.
"Mama, ilan manliligaw mo noon?", tanong ko.
"Labing-dalawa." At nagulat ako sa sagot ni Mama.
"Eh ilang taon ka na n'on?"
"14."
14 years old? 12 na agad ang manliligaw ni Mama? Kamusta naman ako na 16 years old, may nanligaw naman sa'kin, pero walang nag-tagumpay, dahil na siguro ay mataas ang standards ko sa mga lalaki. Pero ewan ko ba at kahit niloko ako noon ni Drixx, ay sa kaniya pa din pala ako babalik. Na kahit gaano ako kagalit sa kaniya noon ay sa kaniya pa din pala ako babagsak. Siguro ganoon talaga kapag mas lamang ang pagmamahal mo kaysa sa galit. Na kahit sobrang nakaka-galit ang ginawa ng tao sa iyo. At the end of the day, sa kaniya ka pa din babalik, siya pa din ang mahal mo. Hindi dahil sa martir kundi mahal mo lang talaga ang taong ito.
At kahit no'ng tago pa ang relationship namin ni Drixx ay may nagbabalak manligaw pa sa akin. Pero sinasabi ko na may boyfriend ko, hindi pa nga sila naniniwala noon na may boyfriend ako eh. Kaya ayon pinapakita ko ang photo ni Drixx, ayon nag-back out sila dahil ba naman sa laki ng katawan ni Drixx, baka wrestling-in lang sila ng boyfriend ko. Naks, boyfriend.
"Sa lahat ng nanligaw sa'yo Ma, sino sinagot mo?", curious kong tanong na nagpa-ngiti kay Mama.
"Si Juanito... The day I said yes to him, yon din ang araw na umalis siya at umuwi ng Bohol."
Ang lungkot naman ng naging first love ni Mama.
Habang nakikinig ako kay Mama ay tumabi sa akin si ate Baby.
Sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin ni Mama ay tawa na kami nang tawa.
Paano ba naman kasi, tinanong ko kung paano sila nagkakilala no'ng tatay ko. Ayon nga daw, schoolmate sila no'ng high school, lagi daw inaabangan si Mama nong tatay ko. At kahit anong gawing pag-iwas ni Mama ay patuloy daw itong sumusunod. Then one day raw ay biglang pumunta ang tatay ko sa bahay ni Mama. At ayon daw, pinahabol daw ni Mama yong tatay ko ng aso nila Mama. Kaya ayon sa tuwing pumu-punta ang tatay raw naming ay pina-pahabol ni Mama ng aso ang taong iyon. At kahit ano pang pagpapahirap ang ginawa ni Mama doon sa tatay ko. Then dumating sa araw na nahulog na din si Mama.
So parang nagpakahirap ang tatay namin na makuha si Mama.
"Tapos may isa akong manliligaw, prinangka ko siya na hindi ko siya gusto. Tapos malalaman ko na magbibigti siya. Kaya ako, dali-dali akong pumunta sa bahay nila, kasi parang kasalanan ko. Tapos sinasabi ko sa kaniya na makaka-hanap din siya ng iba."
"Eh nasaan na siya ngayon 'Ma?", tanong ko.
"Nasa Bohol. May asawa na din." At ngumiti si Mama.
Habang nakikinig ako ng kuwento ni Mama ay napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Drixx na may dalang dalawang supot na may mangga. Pumitas siguro sila no'ng mga pinsan niya. May puno kasi dito ng mangga. Mahilig kasi sila sa nature.
Maya-maya ay biglang lumapit sa amin si Kevin na kaibigan ni Drixx at may binigay na tatlong mangga.
"Ay meron kami?", tanong ni ate Baby.
"Bigay ni Drixx." At umalis na siya.
"Binigyan ka ng pamangkin mo." Sabi ni ate Baby.
"Pamangkin?", tanong ko.
"Oo, Tita niya Mama mo eh."
"Mama tawag niya eh." At nagtawanan kaming tatlo.
"Mama daw ate oh." Pang-aasar ni ate Baby.
"Okay lang." sabay ngiti ni Mama.
At nag-usap na ulit sila.
At bigla akong napa-isip ako.
Nagpaka-hirap si Papa na makuha si Mama pero bakit niloko niya lang si Mama?
Bakit ganoon?

YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019