Chapter 40

3 0 0
                                        

I woke up early dahil may pasok na naman, kaya dali-dali akong pumunta sa CR para maligo. Pagkatapos naman niyon ay nag-ayos ng sarili at kumain na sa baba at pagkatapos ng lahat ay sumakay na ako sa kotse ni Kuya Ram, diba nga hina-hatid niya ako kila Shane bago siya pumasok sa work.



Ang bait ni kuya 'no?



Nasa passenger seat ako umupo at pinaandar na ni kuya iyon. At dahil tahimik ay nag-online ako sa phone ko.



Pumasok kaya ngayon si Drixx?



Maraming nag-message sa akin. Siyempre ako pa ba?



Pero sa dinarami-rami ng nag-message sa akin ay ang pangalan ni Drixx ang hinanap ko. And may message sa akin, awhile ago. Kaka-out niya lang kasi. Siguro nasa school na ito ngayon.



Drixx: Babylove Happy first anniversary hehehe. I love you. Sorry kung na-busy ako nitong mga nakaraang araw. Hayaan mo, babaguhin ko ito sa panibagong taon natin. I love you ulit.



Unti-unti akong napangiti.



January 14 pala ngayon at isang taon na kaming may relasyon. Ang bilis ng araw. No'ng isang araw pa nga ay tinanong ko siya kung kasama ba sa bilang ng anniversary namin 'yong nag-break kami. Pero sabi niya, oo daw, kasi kasama daw yon sa memories naming dalawa.



Well, may point naman siya. Kaya, hindi na ako nag-tanong pa.



Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano ay nag-reply ako.



Sophia: Babylove, happy 1st anniversary. Paanong babaguhin?



At pinindot ko na ang send button.



These past few days kasi ay naging busy si Drixx, madami daw siyang project sa school, same as me. Pasahan na kasi ng mga kung ano-ano sa school dahil exam week na.



Okay lang din naman sa akin iyon dahil acads muna bago harot. Ganoon din naman ako.



I gave a sigh...



Ang bilis ng araw 'no? Parang kailan lang dinadaan-daanan ko lang si Drixx. Break, balik, break, balik... 'Yan ang routine namin ni Drixx. Siguro kasi, ang babata pa namin nila Drixx ngayon. Same lang kaming 16, ano ba naman ang alam namin sa relationship?



Pero biruin mo yon, 'nong 15 years old siya, habang nasa Pangasinan pa siya. Naka-10 girlfriends siya.



Just like wow diba?



15 years old pa lang... Apaka-landi na?



But who would have thought, tatagal kami ng taon. Ang sabi niya pa nga ay, ako na ang babaeng hihintayin niya sa altar.



Aba, ewan ko ba doon! Nakulangan naman sa gamot iyon.



Pero napangiti na lang ako ng maalala kung paano kami nagka-kilala.







A/N: Sorry if short update lang heheheh... Bawi ako next chapter...



Thank you sa pagbabasa. God Bless and Stay safe...

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now