'Tatanong ko si Mama mo kung puwede kang ligawan.'
Paulit-ulit nag-eecho ang mga sinabi ni Drixx sa akin kagabi. Sa katunayan nga ay hindi ako makatulog kagabi, kakaisip niyon.
Kaya kami nag-break noon ay dahil ayaw ni Mama na mag-boyfriend ako. Kaya din ay simula no'ng nagkabalikan kami ay patago na kami kung magkita. No'ng nakaraang buwan nga ay muntikan na kaming makita.
Pero paano kung hindi pumayag si Mama? Paano ako? Paano siya? Paano kaming dalawa?
Baka kapag nalaman ni Mama ay pag-hiwalayin niya na naman kami.
Malulungkot na naman ako. Haays.
Pinipilit ko pa kagabi na wag na muna sabihin kay Mama. Pero siya itong mapilit, wala naman daw mawawala kung susubukan. Balik pa din daw sa pagtatago kapag hindi pumayag si Mama.
Nakita ko pa siya kanina at sinabihan akong sasabihin niya na mamaya. Kaya ayon, kinakabahan ako simula pa kanina, magpa-hanggang ngayon.
It's already 7:15 PM, at hanggang ngayon ay wala pa si Mama, ganoon din si Drixx, hindi ko pa din nakikita.
Nagkita kaya ang dalawang iyon? Nag-usap?
Kinakabahan na ako. Tipong sasabog na ako. Maca-cardiac arrest na yata ako sa sobrang kaba ko.
"Anong nangyari sa'yo?", biglang sulpot ni Kuya Reign.
"Hah?", tanong ko. Naka-halumbaba kasi ako dito sa dining table. At any minute by now ay magdi-dinner na kami.
"Bakit namumutla ka?", tanong niya ulit.
"Ah wala kuya." Sagot ko naman.
"Si Mama pala, nasaan?", rinig kong tanong ulit ni kuya. Naghahain na kasi ako ng mga pagkain.
"Nasa likod yata eh." Sagot ko.
"Tawagin mo na, kakain na tayo." At umalis na siya. Lalo naman akong kinabahan.
Ano nang gagawin ko? Baka pagpunta ko doon sa likod ay pagalitan na ako ni Mama.
After ko mag-hain ay lumabas na ako ng bahay. Tiningnan ang buong paligid, pero maski isang ingay ay wala akong marinig kundi ang pintig lang ng puso ko.
Unti-unti akong nagsimula sa paglakad patungo sa likod. May half-court kasi dito, kaso ngayon ay madilim na. Dito naglalaro si Drixx ng basketball kasama si Kuya Red at iba pa niyang mga kaibigan na kakilala ko din.
Nang makarating ako malapit doon sa likod ay may nakita akong mga tao. At dahil sa kinakabahan ako ay para bang ayoko nang tumuloy. Pero kasi pinapatawag ni Kuya Reign si Mama kaya tumuloy ako.
Bahala na kung ano man ang mangyari. For the sake of dinner.
At unti-unti akong lumapit at nakita ko si Drixx...
Na katawanan ni Mama, at yong kaibigan ni Mama na isang foreman.
Nagtatawanan sila Mama at Drixx? May nangyari ba? Sinabi na ba ni Drixx kay Mama? Anong reaction ni Mama doon? Nagalit ba siya? Tanggap ba niya? Pero kasi nagtatawanan sila Drixx at Mama. Ibig sabihin ba n'on, okay kay Mama?
"Ma, kakain na daw." Sabi ko.
"Tara Drixx, kain na tayo." Nagulat sa sinabi ni Mama. Tama baa ng narinig ko? Inaaya ni Mama si Drixx kumain?
Sabay na tumayo silang dalawa.
Nang makatayo si Drixx ay tiningnan ko siya.
"Okay na." sabay ngiting abot tenga.
Siyempre, ako naman ay hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tiningnan ko lang siya at nagsimulang maglakad.
Nasa likod kaming dalawa ni Drixx, si Mama kasi ay nasa unahan namin.
And Drixx is always looking at me with a wide smile. Ang saya niya ah? Siyempre ako din naman masaya, pero mamaya na ako titili sa kuwarto.
Tiningnan ko ulit si Drixx at ngumiti na naman siya at sabi...
"Okay na." at ngiti na ulit. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay tiningnan ko ulit si Drixx.
"Okay na." sabay ngiti niya at ngumiti na din ako.
After naming mag-dinner ay wala naman nang gagawin kaya umakyat na ako sa kuwarto at nag-online.
Nakita kong online si Drixx kaya ti-nap koi yon at may message pala siya sa akin.
Drixx: Asawa, okay na tayo
Magmula no'ng muntikan kaming mahuli ni Mama ay asawa na ang tawag niya sa'kin, minsanan na lang ang babylove.
Drixx: Si Mama Lucy pa mismo nagtanong kung tayo pa daw
Drixx: Sabi niya nga kanina. Bakit daw ang tagal ko sabihin hehehe matagal niya na daw inaantay asawa
Drixx: I love you
Drixx: Wala na talaga 'tong hiwalayan asawa, legal na tayo both side
Legal na din kami sa parents niya. Sabi pa nga ng Mama niya ay kailan daw kami gagawa ng apo.
Seryoso ba siya doon? 16 years old palang kaya kami.
Drixx: Basta ayusin ko daw, wag daw kita buntisin agad
Drixx: Okay na din daw tayo sa mga kuya mo
Bago pa man ako mag-reply ay napangiti ako.
Thank you Papa God. Umo-okay na ang lahat.
A/N :
Happy Valentine's Day everyone. 🥰
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Roman pour AdolescentsSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
