9:30 na ng gabi pero hindi pa rin siya naka-online. Simula kaninang umaga rin ay hindi pa kami nagkikita. Nag-chat ako sa kaniya na pupunta na ako ng school para magbayad ng tuition. Pero wala pa riung reply. Until now ay hindi pa rin siya nago-online. Kanina nga ay bago pa man ako pumunta sa school para magbayad ay nag-punta na muna ako kila Drixx pero sabi ni Tito ay wala raw ito at umalis.
Bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin? At saan naman siya nagpunta? Aware naman ako na hindi ako lolokohin n'on. Hindi siya mambababae. Pero bakit siya ganoon?
Nakakainis na nakaka-tampo.
Sabay kaming nag-punta ni Ryle sa school, kaklase ko. Hindi namin kasama si Shane dahil may lagnat, nanatili lang siyang nasa bahay. Baka kasi lumala pa ang sakit niya.
Nang makauwi ako kanina ay hindi pa rin naka-online si Drixx.
Wala ba siyang balak mag-online? Wala ba siyang balak na i-chat ako? Wala ba siyang balak na i-chat amg GIRLFRIEND niya? Oo, capslock para dama.
Lalo lang tuloy akong nainis.
Naka-uwi na kaya siya kung saan man siya pumunta?
Naiinis talaga ako sa kaniya.
At ngayong 9:30 na ay wala pa rin siya.
Wala talaga siyang balak.
Any minute ay na lang ay parang tutulo na ang luha ko. Pero ayoko umiyak ngayon. Hindi bagay sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkaka-higa at lumabas ng kuwarto ko at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa kanila hoping na nandoon na siya. But to my dismay, wala pa rin siya.
Uuwi na sana ako nang maisipan kong pumunta sa court na nasa likod. Kaya pumunta ako doon.
At nandoon nga siya...
9:30 na ng gabi at nandito pa rin siya. Hindi ba siya napapagod?
Kanina pa ba siya rito?
Parang lalo tuloy akong nainis sa kaniya dahil nandito lang pala siya. No! Hindi na siya inis. Kundi galit na siya. Ni hindi man lang siya pumunta sa bahay namin kahit saglit, o kahit nagsabi sa akin sa chat. Masyado bang nakakapagod ang mag-update siya sa akin?
At dahil busy siya sa kaka-dribble niya ng bola ay hindi niya ako napansin na nasa tapat niya na ako.
Pinigilan kong mainis dahil baka humantong lang kami sa pag-aaway ngayong gabi. Nakita niya ako pero wala akong emosyon na nakita mula sa kaniya. Ni hindi man lang siya masaya na makita ako? Ni ngiti ay wala akong nakita mula sa kaniya.
Kaya pilitin ko mang huwag mainis ay nainis pa rin talaga ako. Nagalit na actually.
"Hindi ka pa ba tapos?", tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa." Sagot niya. Magsa-salita na sana ako nang bigla na naman siyang nag-salita.
"Laro pa tayo Drake."
At doon na talaga ako sumabog sa galit. Hindi niya ba alam na kanina ko pa siya hini-hintay? Tapos ngayong nag-uusap na kami, gaganiyanin niya ako? Ni ngiti mula sa kaniya ay hindi niya ako binigyan?
Hindi niya ba nakikita na hini-hintay ko siya? O wala lang talaga siyang paki-alam?
Ano bang meron sa kaniya ngayon at ganiyan siya? May nagawa ba ako?
"Alam mo, kung maglalaro ka lang, matutulog na lang ako." Saka ako tumalikod sa kaniya at nagsimula na maglakad paalis sa puwesto ko kanina na nasa harapan niya.
Kung alam ko lang na maglalaro pa siya, hindi ko na sana siya hinintay. Natulog na lang sana ako ngayon, mahimbing pa. Tss.
Narinig ko pang sinabi niya na 'sa inyo na oh.' Pero hindi ko na siya nilingon at nag-tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Gusto kong sumabog sa galit ngayon. Gusto kong ibuhos sa kaniya lahat.
"Babylove sorry na." Hindi ko siya pinansin na tipong wala akong narinig mula sa kaniya. Tuloy lang ako sa paglalakad pauwi.
"Ui pansinin mo naman ako." Rinig ko muli sa kaniya but still hindi ko pa rin siya pinansin.
"Ui babylove sorry na." At niyakap niya ako mula sa likod.
"Bitawan mo ako. Uuwi na ako, bumalik ka na ro'n." Sabi ko at pilit kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. Pero dahil sa mas malaki siya sa akin hindi ako nakawala.
"Babylove naman eh. Sorry na." Sabi niya.
"Bumalik ka na doon. Hayaan mo na ako." At pilit pa din akong kumalas sa yakap niya.
"Bitawan mo ako, ang baho mo." Sabi ko pa para bitawan niya ako. Pero hindi naman siya mabaho, it's just that amoy pawis siya.
And this time ay tinanggal niya na ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin.
Humarap ako sa kaniya ng may galit sa mukha dahil sa ginawa niyang pag-bitaw.
Pero siya? Ayon tumalikod sa akin. Naglakad paalis.
What?!? So, babalik talaga siya doon?
Siguro mas mahal niya 'yong basketball kaysa sa akin?
Yong totoo?!?
Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya. At tila ba nanghina ako dahil tinabig niya ang braso niya.
"Umuwi ka na." Sabi niya.
"Mag-usap tayo." Sabi ko.
"Kina-kausap ka kanina, ayaw mo. Tapos ngayon, magga-ganiyan ka?!", galit niyang sabi sa akin.
Bakit siya ganoon?
Bakit ang bilis niya akong hayaan? Ganoon ba talaga siya? At ngayon ko lang nakita ito mula sa kaniya?
"Umuwi ka na, kundi tutulak kita." Hindi ko siya pinansin.
Pero tila ba lalo akong nabasag nang maramdaman ko ang pagtulak niya sa akin. Napatahimik ako dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin.
Nagagawa niya na 'yon?
Nagawa niya na akong saktan.
Samantalang noon hindi?
Bakit siya biglang nagbago?
Anong nagawa ko sa kaniya at nagawa niya sa akin ang ganoon?
Tiningnan ko siya ng sobrang sama. At nakita ko kay Drixx na parang nagso-sorry siya. At tila ba nagsisisi siya sa ginawa niyang pagtulak sa akin. Hindi naman malakas iyon. Pero tulak pa ring matatawag iyon.
And before he even utter a word, I walk away.
I don't want to talk to him right now.
He hurt me.
He changed.
New Years Eve update! I hope you like it even if the update is so upset. Kahit ako ay naiinis kay Drixx. But at the end of the day, it's all part of the story hihihi.
But thank you sa inyong lahat dahil naging bahagi na naman kayo ng aking life, choos. Dahil naging bahagi kayo ng 2023 ko. I love you all! Spread love to everyone.
Manigong bagong taon...
God bless!
🌹 TheGirlLovesRed 🌹
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
