Chapter 81

5 0 0
                                    

Nandito kami sa CR ng mall ni Shane. Inaayusan niya ako sa buhok at nilalagyan ng eyeshadow, pagkatapos ay nag-kilay. At dahil na rin sa makapal ang mukha ko ay ginamit ko na rin ang matte lipstick niya.

"Hala! Bakit parang ang kapal ng kilay ko?", gulat kong tanong nang makita ko ang mukha ko sa salamin.

"Sakto lang naman ah, hindi ka lang talaga sanay." Sagot naman ni Shane.

"Parang ang ganda ko ngayon." Ngiting sabi ko.

"Palagi ka namang maganda, hindi ka lang masyadong nag-aayos."

"Siguro..."

"Mag-ayos ka ng sarili mo palagi. Ipakita mo kay Drixx na nagiging better ka without him."

Humarap ako kay Shane.

"Kapag ba ginawa ko 'yon, babalik siya sa'kin?", tanong ko sabay buntong-hininga.

"Kahit hindi na siya bumalik, kailangan mong maging better. Not for others, but for yourself." Dahan-dahan akong ngumiti.

"Palagi mong sinasabi sa akin noon na kahit may problema, kailangan mong magpalakas. And always think that someday, it will be alright." Sabi niya habang inaayos niya ang mga baby hair ko na mukha ng bangs dahil medyo mahaba na.

"You always said, live your life. Live your life to the fullest. This pain? This sadness? Someday, it will be gone. One day, babalik din ang dating masiyahing ikaw." Napangiti ako sa mga sinabi ni Shane.

"Thank you." Ngiting sabi ko. "I know na sobramg dami mo ng advice sa'kin. Pero minsan, nalulungkot at nasasaktan pa rin ako kahit dalawang buwan na ang lumipas mula no'ng nangyari 'yon. At sinasabi mo ma dapat hindi ko na hintayin na bumalik si Drixx. Pero until now, hinihintay ko pa rin siya. Na mahal ko pa rin siya."

"Shh, it's okay. Hindi naman ganoon kadali mawala 'yon. At kung ako din yang nasa posisyon mo baka hindi ko kayanin. Mabuti nga at nakakaya mo eh. Ako? Hindi ko alam."

"Wala namang hindi kakayanin. Basta kasama si Papa God."

"Always naman."

Ngumiti ako after what happened 2 months ago. Alam kong mayroon akong Shane. Alam kong mayroon akong sila na karamay ko sa lahat. At sana alam din nila na nandito lang din ako para sa kanila.

"O siya, huwag tayo mag-iyakan dito. Sayang ang pag-make up ko sa'yo at sa mukha ko."

"Tara na. Diba magba-bantay pa kayo ng booth natin?"

"Oo nga, pero late na tayo makakarating doon."

"Bakit? Akala ko ba 10 kayo magba-bantay hanggang 11?"

"10:30 na kaya." Napalaki ang mata ko at napatingin sa wrist watch ko. At ayon nga, 10:30 na talaga.

"Ang bilis naman? Parang kaninang 9 bumyahe na ako."

"Ganoon talaga. Tara na at sumakay ma tayo ng dyip."

"Tara. Eh sino palang nagbabantay doon eh wala pa kayo?"

"Hayaan mo sila. Nandoon naman ang first year at third year. Madami naman sila doon."

"Anong booth pala papasukin natin?", tanong ko.

"Doon sa photobooth. Sama natin si Ryle." Sagot naman ni Shane.

"Yong booth nila hindi natin papasukan?"

"Kapag nakita na lang natin siya."

"Hahabol daw siya. Pupunta siya saglit kasi parang pagod na pagod daw siya."

"Paano ba naman kasi sa sobrang focus sa pag-aaral, nakalimutan na mag-pahinga."

"May sinat daw siya. Na-over fatigue siguro 'yon."

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now