Pagkatapos naming lumabas sa gate ng school ay bumili muna kami ng streetfoods. At pagkatapos naman niyon ay pumunta kami sa Plaza.
Wala namang gagawin doon kundi umupo lang, mag-cellphone at kung ano-ano pa. 5:00 PM pa lang naman kaya maaga pa. And besides, ayaw pa namin umuwi.
When the 7:00 PM came, the rain became heavy. Kaya no'ng tumigil ay napagpasyahan naming umuwi na.
Naglalakad na kami papunta sa highway ay may biglang tumawag.
"Psst... Psst... Ate..." hindi pa man sinasabi ang pangalan nong mga tumawag na lalaki ay na patingin ako sa likod ko pero wala naman. I don't know pero alam kung ako ang tina-tawag ng mga lalaking iyon.
"Psst... Ex ni Drixx." and this time napatingin ako sa third floor ng East Town Center dahil doon nanggaling ang boses
Hindi lang ako ang napatingin pati na din si Shane.
Pinilit kong aninagin ang mukha ng mga lalaking yon pero hindi ko talaga makikta dahil madilim ang puwesto nila.
"Did you hear that?", I asked.
"Yeah... They're calling you. Ex mo si Drixx diba?"
"Psst... Yuhoo ate... Pansinin mo naman kami." napairap na lang ako.
"Tss... Friends lang ni Drixx yan. Tara na. Red light na oh." at tumawid na kami sa high way.
And then I realized...
"Andoon kaya si Drixx?", out of nowhere kung tanong kaya napatingin sa akin si Shane.
"Malay natin."
Hindi ko na lang sila inalala ulit. Tingnan ko na lang si Drixx sa bahay nila.
Pero nang makarating ako sa labas ng subdivision namin ay tiningnan ko muna ang sari-sari store nila at na doon siya. So it means, wala siya sa Plaza? Okay... Naglakad na lang ulit ako.
Yes, may sari-sari store sila ng family nila. Minsan, siya ang nagba-bantay, minsan naman hindi. Pero bakit ko ba kin-kuwento ang buhay niya? Istorya niya ba Ito? Istorya niya ito? Oh edi siya na.. Uwi na ako sa bahay. Bye. Bye.
Pagdating ko sa bahay ay nagbihis agad ako sa kuwarto. Pagkatapos naman no'n at pumunta ako sa sala. Kumain lang naman ako ng junk foods habang nag-iiscroll sa Facebook sa cellphone ko.
"Ang aga mo yata ngayon, Sophia?", napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Kuya Reign at ate Maymay.
I looked at the wall clock and it's already 8:00 PM. Kailan pa naging maaga yon?
"Bumili ka nga muna doon ng yelo sa labas." sabay abot ni Kuya Reign ng 5 pesos, kaya hindi na ako nakapag-reklamo.
May refrigerator naman kasi sa bahay. Bakit di paganahin. Sagot naman ni Mama wala daw ilalagay. Hay Ewan.
"Pabili pong yelo." Sabi ko at lola ni Drixx ang nandoon. Naku, thank you ta-
"Drixx, kumuha ka nga doon ng yelo." I guess this isn't the right time to thank.
Walang pag-aalinlangang sumunod si Drixx. Siyempre, lola niya iyon eh, alangan namang hindi niya sundin iyon.
Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ang tingin ko sa messenger ko.
Pero kahit ganoon ay ang lakas ng instinct ko. Alam kong nakatingin sa akin si Drixx.
Ahh. This is so awkward.
Inabot niya sa'kin yong yelo pero nakatingin siya sa'kin.
Hindi ko na lang siya pinansin. At umalis na.
'Kung wala lang sigurong hadlang sa'tin ngayon. Hindi mangyayari' to.'
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Novela JuvenilSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
