Chapter 55

5 0 0
                                        

Ka-video call ko si Drixx ngayon. Actually kanina pa kami nag-uusap nang kung ano-ano. Dumating pa sa point na bumalik kami sa nakaraan niya. Kung bakit niya ako iniwan, kung bakit niya ako niloko. Sinagot naman niya lahat and he always saying sorry.

Maya-maya ay bigla siyang naglagay ng mask sa bibig niya. Ewan ko ba pero natawa ako sa isinuot niya.

"Ano ba yan? Bra?", pagbibiro ko. Natawa naman siya bago sumagot.

( Mask 'to, bagong bili ko. )  at tinanggal niya bigla.

"Sa Mama mo yan eh... One piece na bra."

"Akin 'to." At umalis siya sa camera. Siguro may kinuha.

( Ito ba kamo? )

At napalaki ang mata ko nang makita ko siyang suot-suot ang isang violet na bra.

Aba! Sino naman siya diyan?

"Kanino yan? Kay Mama mo?"

( Kay Lola )

Ang sama talaga ng ugali nito. Pati bra ng Lola niya gina-galaw.

Pero...

Natawa ako sa kalokohan niyang ginawa.

( May foam pala ito? )  taka niyang tanong.

Tapos tawa kami ng tawa. Maya-maya ay tinusok niya ng daliri niya yong bra na suot-suot niya. At nang lumubog ay tawa kami ng tawa.

( Flat ako )

At lalo naman akong natawa.

( Kapal ng foam. Hindi kayo naiinitan nito? )

"Hindi... Need yan ng mga babae eh."

( Sabagayat hinubad na niya. Hindi niya daw kasi carry. ( Tuwang-tuwa asawa ah? ) sabi niya ulit kaya natawa na talaga ako ng sobra.

"Pawis na pawis?"

( Ang sikip eh )

At sabay kaming natawa.

( Babylove? ) rinig kong tawag niya sa akin. Seryoso na siya.

"Yes po?", tanong ko.

( Lahat gagawin ko mapasaya ka lang. Willing akong magbakla-baklaan mapasaya ka lang. ) at napangiti ako sa sinabi niya. ( Mahal na mahal kita, ayaw kong mawala ka. Akin ka lang, bawal ka sa iba. )

Maya-maya ay umalis ulit siya. And this time, may dala siyang gitara.

( This song is for you. )

Magtatanong na sana ako pero ngumiti na lang ako nang magsimula siyang kumanta.

San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa

Buma-bawi talaga itong si Drixx. Palagi niya akong pinapatawa, pinapangiti, pinapakilig, minsan ginagalit.

Kung lumisan ka wag naman sana
Ika'y kumapit na nang di makawala

Aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw

Mundoy magiging ikaw...

🌹🌹🌹

Happy New Year ulit...

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now