Start na naman ng school year namin this week. Nasa iisang university kami nila Drixx at Shane. Pasukan na nga ngayong araw eh, pero next week pa ang start ng pasukan namin. Sila Drixx ay ngayon ngayon papasok sa university. Hindi kasi kami sabay ng sched kaya ayon.
Ako naman ay nag-ready ng mga gamit na gagamitin na binili ko last year pa. Every time kasi na pumupunta kaming SM ay una kong pinu-puntahan ang National Bookstore.
Dahil nga first day na ngayon ni Drixx sa university ay na-boring ako. Wala akong magawa at makausap kaya bebe time na lang kami ng kisame. Baka nga kapag nay butiki, baka kanina pa kami nag-usap.
Pero nang mag-online na si Drixx ay kaagad ko iyong ni-replyan.
Drixx: Babylove, here na ako
Drixx: Ang hirap pala sa college. First day pa lang may gawain na
Drixx: President din po pala ako ng class naminHabang magka-chat kami ni Drixx ay naisipan kong i-open ang account niya.
Pero kumunot ang noo ko dahil may ka-chat si Drixx na ibang babae na nangangalang Jodelyn. She's not familiar to me. Siguro ay bago niyang kakilala o kaklase. Na-curious ako doon kaya nag-back read ako sa mga chats nila. Hindi naman siguro masama ang ginagawa kong ito dahil girlfriend naman niya ako at wala naman akong ibang gagawin sa account niya.
I know I have nothing to worry about this girl because I just know that Drixx is just being friendly to others. To other girls.
Pero lalo na lang kumunot ang noo ko dahil bakit may nabasa akong 'inom ka na gamot' at saka 'kumain ka na.' Hindi ko alam pero unti-unti akong naiinis. At tila ba nakaramdam ako ng kaba?
Alam kong simpleng chats lang iyon, pero bakit sobra-sobrang naiinis ako? Pero bakit kasi sasabihin ni Drixx iyon?
Tell me, bakit niya sasabihin iyon sa babaeng iyon? Masyado na ba silang close para ganoon siya i-message ni Drixx?
Drixx: Nagseselos na naman po ang asawa ko
Napabuntong-hininga at napapikit na lamang ako dahil sa inis.
Pagdating ng kinabukasan ng hapon, naisipan ko na namang buksan ang account ni Drixx.
At sobrang uminit na lang ang ulo ko nang mabasa ang palitan ng chats nilang dalawa ni Drixx at iyong babae na nangangalang Jodelyn.
Sophia: Akala ko ba walang something sa inyong dalawa?
Sophia: Pero ano 'to, Drixx?Saka ko si-nend ang mga screenshots ko upang hindi siya makatanggi sa mga pinaggagawa niya. Isinama mo rin iyong shared post sa facebook na naka-tag pa kay Drixx at ang sabi...
Akala ko nasa Jollibee ang saya, nasa iyo pala.
Mayroon pang comment ni Drixx na...
Ay hahaha... True ba 'yan?
Oh diba? Sinong matinong girlfriend hindi magagalit doon? May lumalandi sa boyfriend mo, at ito namang boyfriend mo, nagpapa-landi rin.
Drixx: Always ka ng ganiyan. Lagi kitang iniintindi. Pagod na ako. Iwan mo na ako asawa. Please.
At tile ba tumigil ang ikot ng mundo ko ng mabasa ang chat na iyon ni Drixx. Hindi ko alam kung ano dapat ba akong magalit, malungkot o masaktan dahil sa lahat ng salita, iyon pa talaga amg napiling sabihin sa akin ni Drixx.
Bago ko pa man siya ma-replyan ay nag-chat sa akin si Althea, Dina at Shane.
Dina: Sino ito?
Saka mayroon siyang sinend na isang screenshot na katulad ng screenshot ko.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019