Chapter 19

11 1 0
                                        

Papunta kami sa Park. As always, tambay. Nanood lang ako ng mga video sa YouTube, nag-scroll sa Instagram. At kung ano-ano pa.

Maya-maya ay nag-salita si Shane.

"Ome-TV tayo." sabi niya sa'kin at pinindot niya ang Ome-TV na app sa cellphone niya.

And we wait a second para makita ang gustong makipag-video call.

Ome-TV kasi is yong online. Basta iyon na iyon. Install niyo na lang sa play store iyon. Di ko kayang I-explain. Hahaha.

And all at once, you are the one I have been waiting for

King of my heart, body and soul, ooh whoa

Naka-earphone ang isang tenga ko samantalang ang kabila naman ay hindi.

Black ang buhok, medyo singkit na mga mata, at matangos ang ilong.

And all at once, you're all I want I'll never let you go

King of my heart, body and soul, ooh-whoa

"Sa'yo muna oh. Aalis lang ako." at binigay niya sakin ang cellphone kaya tinanggal ko na ang earphone ko.

"Saan ka pupunta?", tanong ko sa kaniya.

"Bibili lang ako ng hotcake. Mabilis lang ako." at umalis na siya.

Kaya hawak-hawak ko yong cellphone ni Shane. At yung isang kamay ko naman at hawak-hawak ko dahil nagda-download.

Habang nagda-download ako ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin.

Shiiz... Nakakahiya... Sobra. Shit.... Shane kasi iniwan ako.

"Bakit di pa kayo umuuwi?"

Bago ko pa siya masagot ay dumating na si Shane. Kaming dalawa lang ang nasa bench na ito. Si Michelle naman at Dina ay nasa kabila.

"Bakit hindi pa kayo umuuwi?", napatingin ako sa nagsalita sa screen.

"Bahay namin 'to eh." sagot ko kaya natawa naman si Shane. Anong nakakatawa doon?

"Oh?!? Ang liwanag naman."

At pinakita ko sa kaniya kung nasaan talaga kami.

"Grabeng bahay naman yan... Ang daming tao." at natawa ako sa kaniya.

"Bakit naka-uniform ka pa? Ribbon ba yan?", at pinakita ko sa kaniya ang ribbon. "Binili mo ba yan sa Red Ribbon?"

This time, nakitawa siya sa aming dalawa ni Shane.

"Hindi... Dinikwat ko lang 'to doon." sagot ko pa.

May red na ribbon kasi sa uniform namin.

"Kuya, gusto mo?", tanong ni Shane doon sa lalaki. Pero umiling lang siya.

I don't know why but I find him cute.

Shiiz... What am I even saying?

Maya-maya, umalis si Shane. Iniwan na naman niya ako. Anong gagawin ko sa lalaking 'to?

Gosh Shane... Kakahiya ito ah. Masasapak talaga kita. Tapos ito namang lalaki, wagas kung makatitig... Parang anytime, malulusaw na ako.

"Ilang taon ka na?", tanong niya.

"16... Ikaw?", tanong ko naman.

"Taga-saan ka?", tanong ko. Wala eh, wala akong maisip na itanong.

"Isabela... Ikaw?", ang layo naman pala.

"May boyfriend ka na?", tanong niya bigla. Kaya nagulat ako.

"Wala." kaagad na sagot ko.

"Ows? Sa ganda mong yan?"

Hindi ba siya naniniwala? And what? Ako maganda? Weh? Sige mang-uto ka.

"Wala talaga eh. Ikaw, may girlfriend ka?", baka kasi mamaya ay may girlfriend pala ito.

"Wala... Binasted ako."

Ouch... Sorry to hear that.

"Masakit?", tanong ko. Ano kayang feeling ng ganoon?

"Hindi naman." at tumawa siya bigla.

"Okay lang yon." sabi ko.

"Yeah." and he smiled.

"Tingin mo puwede tayo?", napakunot-noo ako sa tanong niya.

Tama ba yung narinig ko?

Sasagot na sana ako ng makita kong papunta sila Michelle sa puwesto namin.

"Kapatid ko nga pala." sabi ko at iniharap ko kay Michelle ang camera. Nagulat man siya pero wala na siyang nagawa dahil binigay ko sa kaniya ang cellphone.

"Hi kuya." ngiting sabi ni Michelle.

You save me Michelle... Thank you.

"Kapatid ka niya?", tanong nong lalaking nagtataka pa.

Hindi ba siya makapaniwala na kapatid ko si Michelle?

"Oo kuya... Bakit?", taas-kilay namang tanong ni Michelle.

"Bakit hindi kayo magka-mukha?", tanong niya ulit.

"Kasi magka-iba kami ng tatay." sabat ko habang may kagat-kagat pang hotcake.

"Di kuya... Ampon lang kasi ako eh hahahaha." laglag ko tong Michelle na to eh. Di man lang marunong sumakay sa trip ko.

Sinamaan ko na lang ng tingin si Michelle.

"Teh... Tingin mo bagay kami ng kapatid mo?", napatingin ako kay Michelle.

What does he mean by that?

Ngumisi naman si Michelle.

"Oo naman... Bagay na bagay." at animo'y kinilig pa si Michelle. Ganiyan ba ang kapatid? Nire-reto sa hindi kilala?

Aalis na sana ako nang mag-salita yong lalaki.

"Ate... Bigay mo nga doon sa babae." at binigay ni Michelle sa akin. Kaya tinanggap ko iyon.

Ngumiti siya sa akin at may sinabi siya pero hindi ko maintindihan kaya napa-hah ako at ang sinagot niya...

"Halabyu." sabi niya kaya nagulat ako...

Siraulo ba 'to? May sayad?

Sinamaan ko lang siya ng tingin... Ang harot niya noh?

"Name mo sa FB. Chat na lang kita."

Binigay ko sa kaniya ang name ko sa Facebook.

"Sige, mamaya na lang. Kakain na muna ako."

"Sige... Bye." and then she waved good bye.

Pero bago man niya patayin ang video call ay pinakilala ako sa mama niya, sa kapatid niya, sa papa niya... At pati na din sa aso niya.

And nagba-bye na din siya this time.

"May boyfriend ka na. Buti ka pa." asar ni Shane.

"Siraulo." sagot ko.

"Duh... Pinakilala ka na nga sa parents niya eh." at ewan ko ba sa lalaki ng yon.

"Ewan ko sayo." at nag-earphone na ako ulit.

Late in the night the city's asleep

Your love is a secret I'm hoping, dreaming, dying to keep

Change my priorities

The taste of lips is my idea of luxury

And I look up at the sky.

Did I already found the king of my heart?

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now