Drixx: Nandito na ako sa labas
Pagkabasang-pagkabasa ko niyan ay kaagad na bumaba agad ako sa hagdan.
"Ma, alis na ako." Paalam ko at hindi ko na hinintay pang sumagot. Nagmadali akong lumabas ng subdivision dahil nakakahiyang pinag-aantay iyon.
Sabi niya kasi kagabi ay 5:30 daw. Then after a few minutes of talking in the phone ay naging 5:20. Then naging 5:10. Then now, wala pang 5:00 ay chi-nat niya ako na nasa labas na siya.
Gosh. Ang aga niya sobra. 6:00 AM ang pasok niya, while 7:30 naman ang pasok ko. Shit. Saan naman ako pupunta after niyang pumasok.
Tumawag pa si Drixx sa akin pero hindi ko sinagot dahil nandito na din naman ako sa labas.
"Bakit hindi ka naka-coat? Ang lamig ah." Napaangat ang mukha ko doon sa nagsalita. And it was him..
Ang ganda ng bungad niya sa akin ah?
Naglakad kami patungong highway, akala ko ay sasakay na kami ng dyip pero lumiko kami sa kaliwa.
"Saan tayo pupunt?", tanong ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin. Aba!!
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya. Kaya napatingin siya sa akin.
"Pupunta tayo doon." At tumingin ako sa tinuro niya.
7'eleven? Ano namang gagawin namin diyan?
Tiningnan ko lang siya at maya-maya ay hinila niya ako at inakbayan. At nagsimula nang maglakad habang akbay-akbay niya ako.
I don't know why but I suddenly smiled. Ito na ba yong sinasabi nilang may mga paru-paro sa tiyan mo?
Ito na ba yong tina-tawag nilang spark?
Ito na ba yong sina-sabi nilang kilig?
Pero hindi naman mabilis ang tibok ng puso ko?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
