After school ay umuwi ako at dumiretso sa kuwarto at umupo lang sa dulo ng kama ko.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano yong gagawin ko ngayong araw. Parang ang bigat ng katawan ko. Ang bigat ng loob ko. Ganoon.
Hindi ko alam kung malulungkot ako maiiyak na agad. Ang maga na ng mata ko. Ang sakit pa. Ayoko na umiyak. Nakakasakit na ng mata at nakakapagod. Sobra.
Tumayo ako at nag-palit ng damit. At nakita ko ang gitara ko sa gilid kaya kinuha ko iyon at umupo ulit sa dulo ng kama.
You said it in a simple way
4 a.m. the second day
How strange that I don't know you at all
Stumbled through the long goodbye
One last kiss, then catch your flight
Right when I was just about to fall
I told myself don't get attached
But in my mind I play it back
Spinning faster than the plane that took you
Naalala ko na naman ang masasayang chats namin ni Dobi.
Bakit hindi ko makalimutan yon? It's been days since huli kaming magka-chat pero hindi ko pa din siya maka-limutan.
And this is when the feeling sinks in
I don't wanna miss you like this
Come back, be here
Come back, be here
I guess you're in New York today
I don't wanna need you this way
Come back, be here
Come back, be here
Maya-maya ay may kumatok pero hindi ko lang iyon pinansin dahil wala ako sa mood.
"Sophia? Tara kain tayo. May dala kaming cake ni ate Maymay." Rinig kong sabi ni kuya Reign.
"Sige kuya, bababa na ako." Sagot ko.
Tumayo ako at binalik na ang gitara ko. At nagpunta sa CR para mag-hilamos. Maga na naman kasi ang mata ko. Mabilis mamaga ang mata ko. Bakit kasi mabilis mamaga? Anong klaseng mata to.
Bumaba ako at saktong binuksan ang goldilocks na box at bumungad sa'kin ang rectangle na chocolate cake. Lalo akong nanlumo nang mabasa ang naka-sulat doon.
Happy 5th Anniversary Mahal
After kong mabasa iyon ay naluha ako pero pinunasan ko kaagad iyon.
Tahimik lang akong kuma-kain ng cake.
Nagka-kilala si ate Maymay at kuya Reign sa Facebook lang. Naging sila kahit hindi pa sila nagki-kikita. 2 years na sila bago sila magkita.
And now.. They're celebrating their 5th Anniversary.
Napaisip ako...
Kung naging kami ba ni Dobi? Aabot din ba kami sa ganito?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
