Chapter 46

5 0 0
                                        

Naghihintay ako sa harap ng McDo dahil ang tagal ni Drixx dumating.


Napag-usapan kasi namin kagabi ay magkikita kami after ng pasok ko. Ibig sabihin magkikita kami kaagad. Ibig sabihin naka-uniform pa ako at dala ko pa ang bag ko. 


At ito ako ngayon, ang tagal niya. Super tagal niya. 5:30 PM ang usapan at 5:29 PM palang naman. Pero kahit na, napakatagal niya. 


"Hi." At may narinig akong nagsalita mula sa likod ko kaya napalingon ako. 


And he is wearing black collar shirt, black pants, and black rubber shoes. At amoy na amoy ang pabango niyang sobrang tapang, pero sobrang bango. 


All black? Saan kaya punta nito? 


"Napakatagal mo ah." Sabi ko at natawa siya. 


"Naligo pa po kasi ako " at iti-naas baba niya ang dalawa niyang kilay. "Punta na tayo doon."


"Tara." At pumunta ako sa likod niya. 


"Mauna ka na. Ako na sa likod mo." At umuna na lang ako. "Ayusin mo lakad mo." Rinig ko pang sabi niya.


Ito talagang lalaking ito ay napaka-OA. Mas OA pa kaysa kila Mama at Kuya.


Bumaba kami sa escalator at naglakad-lakad. Nandito kami sa bazaar at hindi ko alam kung anong gagawin namin dito dahil puro nagtitinda dito. At isa pa hindi ko alam kung saan kami pupunta.


"Ano gusto mo?", rinig kong tanong sa kaniya kaya kunot-noo akong napatingin sa kaniya.


"Anong gusto?", tanong ko pabalik.


"Pagkain." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit? Libre mo?", tanong ko.


"Oo.. Sige pili ka lang."


Aba at libre pala edi bumili na ng pagkain.


At may nakita akong kwek-kwek.


"Gusto mo ba n'on?", sabay turo niya sa kwek-kwek.Umiling lang ako. 


Ano kayang kakainin ko? Ang hirap pumili kapag madaming pagkain. At isa pa lahat sila masasarap.


Alam ko na...


"Punta tayo doon." At hinila ko siya at umakyat sa 10-steps na hagdan.


"Ayon oh... Bili mo ko n'on." Sabay turo ko sa kaniya.


"Pili ka na doon, ako magbabayad."


"Samahan mo ko." At sinamahan niya ako.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now