Chapter 78

1 0 0
                                    

Nandito kami sa Park ngayon, dito pa rin sa park na always naming pinagta-tambayan namin noon. Tapos na kasi ang klase namin ni Shane kaya dumiretso kami rito sa Park.

"Baliw ba ang lalaking 'yon?! Ang dali niyang sabihin na wag mo silang guluhin?!", sabay lapag ni Shane ng cellphone ko sa mesa. Pinabasa ko kasi sa kaniya ang mga chats namin ni Drixx kagabi.

Natahimik na lang ako sa sinabing iyon ni Shane. Tama naman kasi siya eh. Ang daling sahihin iyon sa akin ni Drixx. Ang dali niyang sabihin iyon sa akin eh parang kaka-hiwalay lang namin noong isang araw. Ang dali niyang sabihin ang ganoong klaseng bagay na akala niya hindi ako masasaktan.

"Ang kapal ng mukha niya ah!", galit na galit na sabi ni Shane.

"Ang unfair niya. Sobra..." Nasabi ko na lang dahil hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi kay Drixx. Any minute by now ay tutulo na naman ang luha ko. Ayaw ko ng umiyak, nasasaktan na nga yong puso ko, pati ba naman mata ko? Isa pa, nasa Park kami ngayon, alas tres ng hapon. Ibig sabihin ang daming tao ngayon, edi kapag iiyak ako, makikita nila ako?

Ayoko nga...

Nasasaktan na naman ako ngayon dahil kagabi ay nagka-chat kami ni Drixx. At ang sabi niya ay huwag ko na silang guluhin pati iyong babae niya.

Ang unfair niya lang sa parteng iyon dahil ang bilis niyang kalimutan ang 3 years namin. Kinalimutan niya amg tatlong taon naming relasyon namin para sa isang araw niya lang nakilala. Masaya na siya sa iba eh ilang araw pa naman nakakalipas mula nang mag-hiwalay kami. Ako nandito nasasaktan pa rin samantalang siya, okay na. Eh 4 days pa lang ang nakakalipas, parang limot niya na ako. Oo, 4 days pa lang since our break up tapos ayon, masaya na siya sa ibang babae.

"Kasi nga may iba na siya." Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Shane.

"Bakit ganoon siya? Ang unfair-unfair niya."

"Huwag mo ng iyakan ang lalaking 'yon. Hindi siya worth it para iyakan mo." Natahimik ako.

"Kung babalik 'yon, huwag mo ng papabalikin 'yon ah." Galit pa ring sabi ni Shane. "Know your worth."

"You think he'll realize that he's wrong to let me go?"

"Oo naman. Mare-realize niya ang bagay na iyon, hindi nga lang sa ngayon. Pero mare-realize niya rin ang katangahang ginawa niya."

Huminga ako ng malalim kasabay ng paghangin ng malakas.

"Kasi, kahit ganoon ang ginawa niya sa'kin, gusto ko pa rin siyang bumalik."

"Kahit naman sabihin ko na huwag mo ng pabalikin si Drixx, kung iyon naman ang gusto mo, wala na akong magagawa. Mahal mo eh."

"Pero kung babalik man siya, pahirapan mo muna." Napatingin naman ako sa kalangitan.

Anong plano mo sa'min Papa God? Any clue naman po if meron? Baka lang naman po Papa God?

Kanina kasi ay habang naghihintay kami ng dyip ni Shane papuntang school ay nakita ko si Drixx na naglalakad malapit sa puwesto namin. Naghihintay din ng dyip. Diba nga same school kami?

6:30 AM pa lang ay sira na agad ang araw ko. Nakakayamot.

At ang nakakainis pa ay suot ko ang bigay niyang Bow Tie Long Sleeves Dress tapos ang mas nakakainis pa ay suot niya ang bigay ko sa kaniya white polo shirt.

Gosh, nananadya ba si tadhana ngayon?

Lumalayo na nga ako sa kaniya eh tapos biglang pagtatagpuin out of the blue?

Isinalpak ko ang earphone ko sa magkabilaang tenga at nagpatugtog na lang ng Dangerous ni Akon kanina para naman kahit bad trip ako ay sumaya ang atmosphere ko.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now