Papunta ako sa highway ngayon dahil doon kami magkikita ni Shane. Pupunta kasi kami sa plaza ngayon. Gagawa kasi kami ng infommercial sa PE. Wala kasi kaning grade doon maski 1 point.
Every saturday kasi ay PE namin. Pero minsanan lang kung pumasok ang PE teacher namin. Then no'ng thursday, ay nag-announce si Vince na gagawa ng infommercial ang hindi pa nakakapag-report, kasi wala daw talagang ire-record. Dagdag mo pa na iyong exam namin sa PE is puro bagsak.
Paano naman kasing hindi babagsak eh hindi nga siya nagtuturo?
Gigil niya ako.
Then kapag hindi pa nakakapagpasa ng infommercial ay baka bumagsak ako. No way.
Knowing PE ay papetiks-petiks lang ako. Kaunting performance lang at pasado na ako. But now, hindi ko na alam.
Hinintay ko sa may jeep si Shane at habang naghihintay ako ay nakita ko na lang bigla si Matthew.
Naka-uniform at may dalang bag. Naka-sakay sa jeep.
Nagka-titigan kami ng matagal kaya pinatibok na naman niya ang puso ko.
Wala pa din talaga siyang kupas.
Siguro may kaunti pang part ng puso ko na gusto siya.
"Ui, sakay na tayo." At hinila na ako ni Shane. At sumakay kami sa kasunod na sinakyang jeep ni Matthew. Sumakay kami.
"Nakita ko si Matthew." Sabi ko.
"Oh? Saan?"
"Doon sa dyip na iyon." Sabay turo ko sa unahan namin. "Naka-uniform at nay dala siyang bag."
Nagka-titigan kaming dalawa. Mukhang pareho daw kami ng iniisip.
"Nag-cutting siya!?!", sabay pa naming pagkakasabi.
Hala! Ano ba yan siya! Nag-cutting siya?
PM session kasi siya sa ibang school at 2:00 PM na samantalang 12:30 PM ang pasok niya.
Saan naman kaya pupunta ang mokong na iyon?
Maya-maya ay umandar na ang jeep na sina-sakyan namin.
***
"He affixed peach baskets overheard on the walls at opposite ends of the gymnasium and organized to play his new game in which the purpose was to toss an association ball into one basket and prevent the opponents from tossing the ball into the other basket."
Then after n'on ay pinatay ang camerasa harap ko. Tapos na kasi ako mag-salita.
Pagkatapos ko ay si Shane naman ang nag-salita. Ako naman ay nag-scroll lang sa facebook. Hanggang sa may nabasa ako. At siyempre ang ganda ng message na iyon inis-creenshot ko iyon at ginawa kong my day sa facebook.
Maya-maya ay nag-heart sa my day ko si Dobi at nag-reply...
Dobi: Ako ba 'to?
Napalaki na lang ang mata ko.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Ganito kasi ang naka-lagay sa My Day ko.
'Pinili ko siya dahil alam kong siya ang itinadhana para sa akin. Pinili ko siya dahil alam kong hindi magiging kumpleto ang buhay ko kung siya ang nawawalang kaipraso. Pinili ko siya dahil alam kong siya na ang lalaking mamahalin ko pang-habang buhay.'
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Fiksi RemajaSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
