Chapter 60

2 0 0
                                        



Right after kong magising ay bumaba ako ay pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Habang naghahalo ako mh kape ay nakita ko si Mama, napatahimik na lang ako bigla nang magsalita siya.

"Sinabi ko kay kuya Reign mo ang tungkol sa amin ni kuya Foreman mo, pero hindi siya pumayag sa amin, sa inyo pa kayang dalawa ni Drixx na mga bata? Huwag ka ng lumapit sa kaniya ah." At saka siya umalis.

Nakakapang-hina ng loob. Akala ko ba ay okay na kami? Akala ko ba pumayag na sila? Akala ko ba okay na sa kanila kaya sila pumayag?

Bago pa man tumulo ang mga luha ko ay dali-dali na akong pumunta sa kuwarto at doon na tumulo ang mga luha ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at chinat ko lahat kay Drixx.

Sophia: Siguro dapat mag-break na tayo
Sophia: I'm sorry

At doon na naman tumulo ang luha ko. Nang mapag-isipan kong bumaba ay pinunasan ko na ang mga luha ko at siniguradong hindi na ito papatak pa. Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table ko at lumabas na ng kuwarto.

Kinuha ko ang tinimpla kong kape at binuksan ang pinto para doon ako magkape sa swing.

Ilang minuto akong nakaupo habang nakatingin sa kawalan nang biglang may magsalita sa unahan ko.

"Morning." Napatingin ako sa nagsalita at si Ryan na bumu-bungisngis at si Drixx na kakabatok lang kay Ryan.

Pero imbis na matawa ay inalis ko ang tingin ko sa kanila at ininom ang hawak-hawak kong kape.

"Sophia, halika dito." Napatingin ako kay Mama. At ayon nga, tinatawag niya ako pero nahihiya akong pumunta dahil nandoon ang Lola ni Drixx at si Ate Baby.

At dahil para mawala ang hiya ko ay inubos ko ang kape at inilapag ito sa kabilang swing saka lumapit sa kanila.

"Bakit?", tamad kong tanong.

"Ikaw ba yong girlfriend ni Drixx?", bungad na tanong ng Lola ni Drixx kaya napamaang ako sa harap nilang tatlo.

Baho pa man ako makasagot ay dumating na si Drixx at naupo sa harap namin.

Hino-hot seat ba nila kami?

"Kayong dalawa, magtapos muna kayo." Sambit ng Lola niya. "Kaunting panahon na lang."

"Kaya nga, bawal muna sila mag-holding hands kasi mapupusok ang mga bata ngayon."

"Puwede naman yong holding hands, dapat lang alam nila ang limitations."

"Eh kaso itong si Drixx sa tapat ng bahay namin laging naka-tambay. " dagdag ni Mama kaya natawa kaming dalawa ni Drixx.

"Edi papasukin." At natawa sila Mama, Lola, ate Baby.

"Mga bata pa naman sila, marami pa silang makikilala."

"Pero kung kayo, kayo talaga." Lola ni Drixx.

"First love never dies." Si ate Baby naman ang nagsalita kaya natawa ako.

Seriously naniniwala sila sa ganoon?

"Oo naman. Ito din namang si Drixx ay first love din." Dagdag naman ulit ng Lola ni Drixx. "Okay na sa akin at sa Mama ni Sophia na kayo nang dalawa, basta wag mo munang buntisin Drixx." Sabay tingin ni Drixx kaya natawa ako.

"Kung mabuntis ka man ni Drixx, papanagutan niya." Dagdag pa ni Lola.

"Siya ang bunso, siya lang din ang babae ko kaya sana mag-tapos na muna kayo." Sabi ni Mama.

Grabe naman ang mga ito, 16 years old pa lang kami ni Drixx. Buntis agad pinag-uusapan.

"Kapag nakapagtapos na kayo, ako na mismo gagastos para sa kasal niyo." Natawa naman kaming lima.

"Gusto ko limang anak ah. " pagbibiro ni Nanay.

"Hala! Isa lang." Sagot ko agad.

"Isang anak lang si Drixx tapos isa lang din sa inyo? Lima dapat, dalawa sa amin, dalawa sa mama mo." sabay tingin sa akin. "At isa sa inyo."

Natawa naman si Drixx, samantalang ako ay di ko alam ire-reqct ko sa nga pinagsasabi ng Lola ni Drixx.

"Kung ayaw niyo naman sampo na, para madami." At natawa silang apat, ako lang ang hindi.

Bakit parang pine-pressure na nila ako mag-buntis? Agad-agad? As in?

"Hala! Ang dami naman po n'on." Sabi ko at lalo silang natawa.

Trip yata nila ako?

"Para madami, para masaya." Dagdag pa ni Lola.

Sabagay, tama siya. The more the merrier.

Napangit na lamang ako.

Masaya ako at nagkasundo na ang family ko at ang family ni Drixx. Sana magtuloy-tuloy na ito.



A/N:

Hapyy Mother's Day po sa lahat. 🥰

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now