"Ui Sophia." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Maymay.
May bibilhin kasi ako sa labas.
"Oh bakit?", tanong ko pabalik sa kaniya.
"May nasabi ba sayo si Althea?", napakunot-noo naman ako sa tinanong niya.
Kilala niya din kasi si Althea kasi noong summer laging nakatambay sa amin yon. Akala mo walang bahay.
"Bakit? Ano bang sabi niya?", tanong ko.
"Sinabi niya lang naman kay Drixx na may feelings ka pa sa kaniya." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.
At kunot-noong tiningnan siya.
"Ikaw ah... May feelings ka pa pala sa kaniya." At iniwan niya akong nakatayo doon.
'What did you do this time?!?'
Napailing na lang ako at bumalik sa bahay. Ayoko ng bumalik dahil baka makita ko pa ang lalaking iyon.
Wala naman na akong feelings sa kaniya eh. Diba wala na? Matagal ko na siya kinalimutan. Matagal na akong walang pakialam sa kaniya. Tapos maririnig ko, may feelings pa ako? Are they even serious? After akong lokohin ni Drixx, tingin niyo may feelings pa ako sa kaniya? Tss.
Nang makarating ako sa kuwarto ko ay dali-dali akong nag-online sa laptop ko at hinanap ko ang name ni Drixx sa chatlist ko.
I need to defend myself. Baka umasa yon na may feelings pa ako sa kaniya. Tss.
Drixx: Uy Baby... Musta ka na? Di mo na ako pina-pansin ah
Drixx: Tulog ka na ba?
Drixx: Usap naman tayo oh
Drixx: Bakit mo ko bin-lock?
Akala ko ba wala nang paki sa'kin ito? Eh ano ginagawa nito ngayon?
Lasing ba ito? Siya yong nang-block. Nakita niyo naman diba? Tapos sasabihin niya, ako ang nam-block.
Nasisiraan na ba siya ng ulo?
Sophia: Don't you dare think na may feelings pa ako sa'yo
Sophia: I'm done with you. And the game between us is over
Tapos na tayo... The game is already over.
"Sophia, tara na. Alis na tayo."
Inoff ko na ang laptop ko at lumabas na ng kuwarto.
Mamimili kasi kami ngayon ng mga lulutuin para sa pasko. December 23 na kasi ngayon at sure akong bukas ay madami nang tao dahil bisperas na ng pasko.
Bago kami pumunta sa grocery store ay pumunta muna kami sa jewelry shop.
Nong isang araw kasi ay may nakita akong gold necklace na infinite and may mga diamond na naka-palibot doon. Tapos na-love at first sight ako doon. Wala kasi akong pera noong time na iyon kaya di ko nabili.
"Ah... Ate, may infinite pa kayong kuwintas?", tanong ko doon sa saleslady.
"Yong may diamond po ba?", tumango ako.
"Kakabili lang po eh. At saka last na po iyon kaya wala nang stock."
Nang marinig ko iyon para bang pinag-bagsakan ako ng langit at lupa.
Habang namimili kami sa grocery store ay tahimik lang ako.
Wala na bang mas imamalas sa araw na ito?
🌷🌷🌷
Sophia: Di ka pa din nagbabago
Drixx: Bakit?
Drixx: Merry Christmas pala
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
