Nasa grocery store kami ngayon ni Mama, naka-pila na sa counter pero pangatlo pa kami. Habang nakikipag-laro ako sa pamangkin kong si Maine ay out of nowhere akong napatingin sa kanan ko.
Unti-unting nagiging pamilyar ang mukha niya.
Venice...
Paulit-ulit ko siyang tiningnan to confirm na siya nga si Venice. Pero ako 'yong nailang dahil sa mga titig niya sa akin. Tipong titig na titig. Isa pa, hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
So, kilala niya din ako?
Umiwas nanlang ako sa mga tingin niya.
Venice... Siya ang ex ni Drixx. Drixx chooses me, kaya nagalit siya sa akin at kay Drixx. Well, sino ba namang hindi magagalit doon.
Then after a week nang maging kami ulit ni Drixx ay biglang nag-chat sa akin si Venice ng 'kayo ba ni Drixx?'. Nong una ayaw kobg replyan kasi ayoko lang, pero baka isipin naman n'on ay snobber ako kaya nireplyan ko ng 'bakit?'. Then after a minute ay nag-reply siya ng 'tsk. Sagutin mo na lang po.' Sino ba siya at gina-ganiyan niya ako?
Then I chatted her 'oo, bakit?'. Then I received. 'Wala akong pakialam kung kayo.'
Napakunot-noo ako.
What the fuck?!? Okay lang ba siya?
Biglang nag-init ang dugo ko n'on. Nagtatanong siya, then sasabihin niya na wala siyang pakialam. Pakshiit! Nag-tanong pa siya.
Nasaan ba ang bahay n'on? Susunugin ko.
Pinakita ko pa kay Drixx ang chat namin ni Venice at mukhang siya pa ang galit.
Well, sino ba namang hindi magagalit, right?
Tiningnan ko ang puwesto ni Venice at nandoon pa din siya, umiiwas ako ng tingin. Dahil naka-titig pa din siya sa akin.
What the hell!!!
Alam ba niyang kilala ko siya?
Alam niya din bang nakaka-buwesit siya dahil sa chat niya sa akin? At hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka-ganti?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Novela JuvenilSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
