"Victory!"
Rinig ko mula sa aking cellphone. Naglaro kasi ako ng Mobile Legends at ayon nga panalo kami ng naging ka-grupo ko kaya victory.
End season kasi last week kaya madami na namang naghahabol sa rank. Epic 2 at 1 stat kasi ako last season kaya balik ko ay Epic 5 kaya lang na-lose streak ako ng lima kaya imbis na Epic 4 na ako ay naging grandmaster 4 at 4 stars na lang.
Nak ng putcha...
Kainis! Ngayon na nga lang ako naglaro, ayon pa ang nangyari.
Maya-maya ay nakita kong in game si Dobi. Ngayon ko lang siya nakita sa ML Account ko.
Then ewan ko ba pero nakita ko ang sarili ko na sarili na nag-type ng message para sa kaniya, kahit na alam kong hindi niya ako re-replyan.
Sophia: Hi... Naalala mo pa ako? Kamusta ka na?
After I click the send button ay nag-out na ako sa ML at nag-charge.
Kinakabahan ako...
"Oo haha." Basa ko sa reply ni Dobi dito sa ML.
Sophia: Kamusta?
Dobi: Okay lang naman haha ikaw
Sophia: Okay lang naman
Sinasabi niya na ang puso niya ay tumitibok
Para lang sa akinRinig ko mula sa TV. Bakit ayan ang music? Bakit ganiyan ka GMA?
Dobi: Edi maganda
Sophia: Bakit mo nga pala ako binlock?
Sophia: May galit ka ba sa akin?Tanong ko kahit alam kong si Drixx ang nag-block sa kaniya sa fb account ko.
Dobi: Huh block?
Sophia: Oo kaya... May galit ka talaga sa'kin 'no?
Dobi: Weh haha
Sophia: Di kaya
Ano ba, ano ba, ano ba
Ano na, ano na, ano na
Ano ba, ano ba
Ang kalagayan koNarinig ko na naman sa GMA iyan. Diba nga minsan, nagco-commercial sila ng mga kanta at ayan pa ang kanta.
Nang-aasar ba sila?
WTF!?!?
Sophia: Nakita mo na? Hahaha
Dobi: Hindi pa. Huwag mo ng balikan ang nakalipas :) Hahaha
At tila ba napahinto ako doon.
Okay. What was that?
🌹 🌹 🌹
Pauwi kami galing school, kasama ko si Shane at Dina. Naka-hiwalay ako sa kanila dahil silang dalawa ang nasa unahan, samantalang ako ay nasa likuran nila dahil nagce-cellphone ako.
Maya-maya ay may naramdaman akong tumabi sa akin pero hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa pagce-cellphone at wala akong pakialam kung sino man iyon.
And with any seconds, may humatak sa kamay ko. Isang kamay lang dahil ang may hawak ng cellphone. Hinawakan ang kanang kamay. Kumbaga nagho-holding while... Walking.
Tiningnan ko naman ang lalaking iyon dahil ang lakas naman ng tama niya para hawakan ang kamay kom at laking gulat ko na lang nang makita ko ang mukha niya.
Totoo ba ito?
Akala ko ba hindi niya ako gusto?
Pero nandito siya sa tabi ko at hawak-hawak ang kamay ko.
Nagtataka ako kung bakit niya ito ginagawa? Nakakapang-gulat. Pero sa loob-loob ko ay ang saya-saya ko. Tipong nagkaroon ako ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ki.
Eh! Kadiri! Ang corny.
Ganito ba talaga kapag natupad na ang inaasam mo?
Ang saya-saya ko at kinikilig ako. Corny man basahin ayan talaga ang nararamdaman ko.
After 5 years ay napansin din ako ng crush ko.
Napatingin naman sa amin sina Shane at Dina. At nakita kong mas kinikilig pa sila kaysa sa akin.
Si Reggie, crush ko noong first year high school. Well, kaklase ko siya, seat mate ko pa tuwing AP Time, magka-group din kami sa AP. Naging crush ko lang siya no'ng 3rd quarter. Eh kasi naman ang talino, ang bait pa. Dagdag mo pa na ang cute niya.
San ka pa, hindi ba?
Tiningnan ko ulit siya at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Tipong ang saya-saya niya na hawak ang kamay ko.
Nagising akong kaharap ang pader. Katabi kasi ng kama ko ang pader.
Bumangon ako dahil pawis na pawis na ako.
Then I realize it...
Bakit siya ang nasa panaginip ko? Bakit bigla ko siyang napanaginipan? Bakit si Reggie? Kasi diba parang ang napapanaginipan ko lang palagi ay si Dobi at Matthew? So bakit biglang si Reggie ang nakita ko sa aking wildest dreams?
Fourth year high school pa mula noong nakita ko siya. Dalawang taon na ng hindi ko siya nakita. Bakit ganoon?
Okay, crush ko siya noong first year high school pa lang kami ni Shane, kaklase naman si Reggie. Pero, pagdating namin ng sophomore ay hindi na.
Pawis na pawis ako ngayon. Bakit na naman ganoon?
About naman kay Dobi kagabi ay hindi ko na siya ni-replyan pa.
And that's it. Hindi ko na siya hihintayin pa. Nagbago na siya. Hindi na siya katulad noon.
Akala ko ba one call away lang siya?
Pero bakit ang hirap kumausap sa kaniya?
Tss. Nagkamali akong nag-tiwala sa kaniya.
Ayoko na sa kaniya.
Kung magkita man kami someday...
Si tadhana na ang bahala doon.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019