3 days had passed at iyon nga, pumayag na din sila Kuya Reign sa gusto ni Mama. Nagka-usap na din sila Kuya at si Mama. At ayon nga, kahit na nasa iisang mesa lang kami kumain at sabay-sabay pa, tahimik lang sila.
Nakakamiss tuloy iyong kapag sabay-sabay kaming kakain at nag-uusap about sa mga whereabouts namin.
Pero siguro simula ngayon ay wala ng ganoong scene. At sadyang nakakalungkot at nakaka-miss.
Ang dating masayang pamilya, nauwi sa lungkot. In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. In just a blink of an eye, nawala na agad ang lahat.
That day ay hindi ko na din medyo kinakausap si Mama. Tanging tango lang at iling ang sagot ko. At hindi ko alam kung napapansin iyon ni Mama na ganoon ang ina-akto ko.
Siguro napapansin ni Mama iyon, pero wala na lang siyang sinasabi.
Para kasing lumalayo na ang loob ko sa kaniya.
I even ignored all the messages from Drixx. Gusto ko kasi munang mapag-isa at walang kausapin.
Kada kakain kasi kami ay pagtapos ay dumi-diretso agad ako sa kuwarto after ko mag-hugas ng mga pinagkainan. Hindi katulad noon na manonood muna ako ng TV kasama sila Kuya at Mama.
I even saw sadness and pain kay Mama. Pero something in me na para bang wala na akong pakialam?
Masama ba? Hindi ko alam.
Nagbago na lahat. At dapat magbago na din ako.
Ayoko na maging mahina. Dahil kapag mahina ka, talo ka.
Kinabukasan ay nagising ako at nakita ko si Mama na ang saya-saya niya doon sa ka-text niya kaya nagdire-diretso na ako sa kusina at nagtinpla ng gatas. Umupo ako sa dining area. Maya-maya ay dumating doon si Mama at nagsalita.
"Ito Sophia oh, nagluto ako ng pancake. Diba favorite mo to?", rinig kong sabi sa akin ni Mama pero hindi ako sumagot.
"Kailan kayo lilipat?", cold kong tanong kay Mama at napatigil siya.
Tumawa siya bigla at saka sumagot. "Hah? Lilipat agad?", at tumawa ulit.
Ininom ko na ang gatas ko at nag-salita. "Kapag lumipat na kayo, dalhin mo na lahat ng gamit mo ah." At tumayo ako at lumabas ng bahay.
Kahit ako ay nasaktan doon sa narinig ko. Hindi ko alam kung saan paano at bakit ko nasabi iyon. Nagulat na lamang ako dahil sa nasabi ko iyon. Alam kong masasaktan doon si Mama pero ako itong walang pakialam sa mararamdaman ni Mama.
Ano bang nangyayari sa akin? Psh.
Hindi ba dapat mas maiintindihan ko si Mama kasi babae din ako? Pero ano itong ginawa ko? Nagpapaka-selfish na naman.
Gusto lang naman sumaya ni Mama eh. Psh. Tapos itong ginagawa ko, pinapa-lungkot ko lang siya.
Ang selfish mo Sophia!
Pumunta ako sa doon sa may mga puno doon sa likod ng subdivision namin. I need a peaceful area right now. Nang makaupo ako sa bato ay bumagsak na yong mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Kahit mag-mukha man akong tanga dito ay walang makakakita sa akin. Madami kasing puno dito. At kung may makakita man ay wala akong pakialam. Hindi niya alam ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi niya alam ang frustration na nararamdaman ko ngayon.
Patuloy lang sa pagluha ang mga mata ko.
Bakit ganito na naman? Lagi na lang bang ganito? Isang minuto lang magiging masaya? Tapos buong araw full of pain and sadness na?
Ang unfair naman palagi eh.
"Sophia..." Napatingin naman agad ako sa nagsalita sa likuran ko.
At nakita ko si Mama na malungkot ang mukha niya. Worried at malungkot siyang ngumiti sa akin.
"Iniisip mo ba na kapag nag-asawa na ako ulit kakalimutan na kita? Na mag-iisa ka na? It's not like that Sophia. I'll always be here for you. Hindi naman kita iiwan eh. Hindi kita iiwan. Pangako yan." Rinig kong sabi ni Mama na lalong nagpa-iyak sa akin. Na pati siya ay naiyak na din
Tama si Mama, nagpapaka-selfish ako dahil ayokong maiwang mag-isa... Ulit.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
