Chapter 76

1 0 0
                                        

Nandito ako sa dalampasigan ngayon, nakatingin sa malayo. Umaalon ang dagat at ito'y tuma-tama sa akin dahil nakaupo ako.

Pinipilit kong huwag umiyak ulit dahil doon sa nangyari. 4:30 PM na ng hapon, pero walang araw dahil makulimlim ang langit, may pagkulog at may pag-kidlat, siguro maya-maya ay bubuhos na ang ulan.

I close my eyes and then the memories start to flash in the back of my mind.

Iyong gabing iyon, hindi ko inaasahan na mangyayari iyon sa buhay namin at sa buhay ko. Hindi ko maisip na may nangyaring ganoon sa amin ng pamilya ko. Na mangyayari pala sa amin ang mga nangyayari sa palabas.

Nang gabing iyon kasi ay may nangyaring para sa akin ay sobrang-sama.

Uumpisahan ko sa kumakain kami ng dinner. Lumabas iyong boyfriend ni Mama na si Tito Romeo. Naka-inom siya pero alam kong hindi siya lasing. Lumabas siya ng bahay para bumili ng yosi at para mag-yosi. Tumambay siya muna sa labas ng bahay namin.

Tapos bigla na lang naming narinig ang sinabi ng isang lalaking...

"Hindi ko kami kaya kuya, isa ka lang, walo kami. Hindi ka rin taga-rito."

At first ay hindi namin pinansin iyon dahil nanonood kami ng 'Ang Probinsiyano' pero napansin na lang namin na pumasok si Tito Romeo at lumabas na may dalang itak. Kami namang dalawa ni Mama ay sinundan para pigilan siya sa kung ano man ang binabalak niyang gawin ngayon.

At itong kaaway niya pala na katabi ng tapat ng bahay namin. Pinipigilan namin siyang dalawa ni Mama pero sadyang malakas siya kaya nakalapot siya doon sa lalaking kaaway niya. At ang dibdib ko, ang bilis ng tibok. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi na ako makahinga ng maayos. Habo-habol ko ang hininga ko. Tila ba napahinto ang sistema ko dahil sa nakita kong mangyayari sa aking harapan.

Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig kong nagsalita si Mama.

"Drixx, tulungan mo nga akong hawakan ito." Saad ni Mama na kaagad namang sinunod ni Drixx dahil hindi kaya ni Mama ang lakas ni Tito. At ako rin ay nakatayo na lang dito sa kinatatayuan dahil ayaw ng gumalaw ng buong katawan ko.

Na-blangko na talaga ang sistema ko dahil sa mga nangyari, hindi ko maisip na mangyayari iyon sa buhay namin. Yon ang least expected ko na mangyayari sa amin. At hanggang ngayon, kumakabog pa rin ng mabilis ang puso ko.

Pumasok si Mama sa bahay at nakita ko ang lungkot sa mata niya.

And then she said...

"Ano ba itong nangyayari sa atin, Sophia?", at kahit pilitin man ni Mama na kunwari malakas siya pero kahit ganoon, nararamdaman ko pa rin ang lungkot niya.

And i hate it. I hate it when she's sad. Okay lang na ako ang malungkot at masaktan. Huwag lang si Mama.

Gustuhin ko mang sumagot kay Mama hindi ko na magawa dahil na-blangko na ako. At dahil na rin sa nakikita kong lungkot sa mga mata ni Mama ay hindi ko na magawang sumagot.

Maya-maya may tumawag sa kaniya at sinabing may Police na gustong kausapin siya. Lumabas naman si Mama kaagad. Ako naman ay napaupo na lang sa upuan dahil pakiramdam ko ay babagsak na anytime ang katawan ko.

Habang nakatulala ako sa kawalan ay hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Drixx.

"Babylove, sorry." Napatingin ako sa kaniyang may lungkot sa mukha.

"Para saan?", lungkot kong tanong. Bakit siya nagso-sorry eh wala naman siyang kasalanan. Walang may kasalanan ng nangyari.

"Kasi wala ako sa tabi mo kanina. Tinulungan ko kasi si Tita." Dahan-dahan akong tumango.

"It's okay." At naputol ang pagsasabi ko n'on dahil biglang tumulo ang luha ko. Dali-dali namang lumapit sa akin si Drixx at niyakap ako.

"It's not the right word to say that you don't have to cry. I know it really hurts you, so just cry on. I'll just be here for you. I'll hold you and I will never let you go. I love you. I promised to hold you forever. I love you 'til eternity." At lalo akong napaiyak sa sinabi niyang iyon.

"I'm sorry I let you saw that. Hindi mo man sabihin sa akin alam kong na-trauma ka sa pangyayaring iyon kaya patawad."

And that was 10 days ago. At hanggang ngayon ay sariwa pa rin iyon sa aking isipan. Iyong pangyayari na iyon ay tila ba nanatili sa aking isipan. At ayaw nang mawala.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay kaagad kaming nagtungo sa Bataan upang matahimik muna ang mga buhay namin. Pero para sa akin ay parang walang nangyari. Nasa isipan ko pa rin ang pangyayaring iyon at ayaw ng mawala sa aking isipan.

Kaming dalawa naman ni Drixx ay nagcha-chat or calls na lang dahil sa magkalayo kami at hindi na nakakapag-kita. Naiintindihan naman niya iyon dahil nga sa nangyari. Mabuti nga at nandiyan siya para sa akin dahil hindi ko na alam kung ano na lang ang mangyayari para sa akin.

At kahit nami-miss ko na si Drixx ay parang ayaw ko ng bumalik sa Maynila dahil babalik lang ang masamang pangyayari na iyon sa aking isipan. Pero wala akong magagawa dahil in 2 months, start na ng pasukan namin.

Sana naman kapag nakabalik na kami ng Maynila ay okay na ang lahat. Sana.



I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now