Chapter 38

4 0 0
                                    

"Don't tell me si Dobi talaga ang naka-destiny sa'yo?", tanong ni Shane.


"I'm not sure pero ayon kasi ang sinabi ni ate Gretchen." Sagot ko.


"Pero... Paano si Drixx eh diba kayo ulit?", curious niyang tanong.


"Diba sa panaginip ko nandoon si Drixx?", tanong ko sa kaniya. At tumango naman agad siya. "Pang-gulo lang daw iyon."


Kumunot naman ang noo niya.


"It only means, magiging karibal ni Drixx yong kayakap ko sa panaginip ko."


"Oh tapos?"


"Magiging kaho daw ng ex mo. But in the end, yong blurry guy sa panaginip mo ang makakatuluyan mo." Ngumiti naman si Shane.


"Ang haba na naman ng hair mo." Sabi niya sabay flip ng hair ko.


"Ui hindi ah. Kaka-gupit ko lang no'ng bagong taon." At nagtawanan kami.


Kakagupit ko lang no'ng bagong taon. Hanggang bewang ko na kasi ang buhok ko dati. Ngayon naman ay hanggang kili-kili ko na lang.


Nang pumasok kami kanina ay madaming nag-tanong kung bakit daw ba ako nagpa-gupit? Broken daw ba ako?


Siyempre sagot ko hindi. Bagong taon na kasi, siyempre bagong buhay na.


Kapag ba nagpa-gupit ka, broken agad? So kapag kalbo depressed?


Ganoon ba yon?


"Ako naman may iku-kuwento ako sa'yo." Napatingin naman ako kay Shane.


Ano naman kaya iku-kuwento nito?



"Napanaginipan ko din noon na may kahawak daw akong kamay." Napatingin naman agad ako sa kaniya.


"Blurred din ang mukha niya, pero alam kung maputu, matangkad, at kulot siya." Nagkatitigan kaming dalawa.


"Tapos yong kapatid ko napanaginipan niya daw na may boyfriend ako. Tinawag niya pa nga daw. Pero no'ng magising siya nakalinutan niya yong name pero naalala niya yong first letter ng name."


Na-curious tuloy ako kung anong letter.


"Ano daw letter?", gusto ko kasing malaman.


"Letter J." Just when I hear her voice ay napalaki ang mata ko.


"Letter J? You mean Joshua?", tanong ko.


"Hindi ko alam."


"Eh kasi diba maputi, matangkad tapos kulot." Sagot ko.


"Sana nga siya na."


Si Joshua naman ay crush ni Shane, since junior pa kami.


Kung sila man ang naka-tadhana ni Shane ay sure akong matutuwa talaga si Shane. At lalong-lalo na ako.


"Pero kasi diba... Madami pa siguro akong makikilala sa future."


Nagkibit-balikat lang ako.


Di ko din kasi alam dahil maski ako ay naguguluhan na din.


"Sa'yo kasi alam mo na." Lungkot niyang sabi.


Napakunot-noo naman ako.


Magsasalita na sana ako pero nagsalita agad siya.


I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now