Kinabukasan ay nagising ako around 10 AM. Ginawa ko kasi diba sa laptop ang resume ko. Mali daw kasi ang nagawa ko sabi ni Kuya Reign. Kaya ayon, hindi talaga ako tumigil para lang doon. I even drink coffee para hindi ako antukin. At nang matapos ko iyon ay hindi naman ako makatulog kaya bumaba ako sa kusina at nagtimpla ng gatas.
Nang makababa ako ay nakita ko si Kuya Reign na mag-isang nanonood ng TV sa living room pero naglalaro naman ng Mobile Legends. Ano kaya yon?
"Kuya si Mama?", tanong ko.
"Pumunta kila Tita Ayen." Sagot niya habang naka-tutok pa din sa paglalaro niya.
"Ah okay." At nag-diretso ako sa kusina dahil may gagawin pa akong requirements for immersion.
Si Tita Ayen ay kapatid ni Mama. Nasa kabilang district lang naman. Isang tricycle lang ang papunta doon.
Hindi ko na lang pinansin iyon at kumain ng kanin at fried chicken. After niyon ay niligpit ko na at umakyat na sa kuwarto ko at nagp-tugtog bago gawin ang mga dapat gawin.
I just realized everything
I have is someday gonna be go
Mas nakakagawa kasi ako ng maayos kapag may music. I don't care if it's rock or pop. Basta music, it's still music.
Natapos ako around 5:00 PMPM. Natagalan ako doon sa application letter dahil binago ko pa ang ibang words. Dumugo na nga utak ko eh. Mabuti na lang at tapos na.
Nag-log in na lang muna ako sa facebook dahil alam kong may chat si Drixx. Ilang oras ba naman kasi akong nakatutok sa laptop eh. At hindi nga ako nagkamali, ang dami nga eh. Puro chat niya lang naman ay 'Tapos ka na na?' Ayon lang. Nitong mga nagdaang araw ay kapag wala siyang ginagawa or hindi kami magka-chat ay naglalaro siya ng billiards doon sa Ninong at pinsan niya. Pero minsanan lang iyon dahil busy na din siya sa acads just like me. At ang mokong may time pa para maglaro ng billiards. Ibang klase.
Sa kalagitnaan ng pagla-laptop ko ay nay narinig akong sigaw na mula kay Kuya Reign at kay Mama.
"Diba sabi ko hindi ako papayag? Paano si Sophia? Papabayaan mo lang?! Uunahin mo yong lalaki mo kaysa kay Sophia?!"
Nang buksan ko ang pinto ay iyon agad ang narinig ko. Gusto ko sanang bumaba kaya lang natatakot ako. Kaya dito na lang ako.
"Ako na ang bahala diyan."
"Oh tingnan mo?! Anong klaseng pag-iisip yan?!", sigaw na naman ni Kuya Reign.
"Edi sa'yo na lang." Out of the blue namang sagot ni Mama.
"Tss."
"Bakit yong tatay niyo, nag-asawa din naman ulit ah? Bakit ako hindi puwede?", at narinig kong humina ang boses ni Mama, hudyat na umiyak siya.
"Paano kung may mangyari kay Sophia? Sino sisisihin?!"
At narinig kong hindi sumagot si Mama.
"Isipin mo na lang Ma, si Sophia 17 pa lang. She still needs you."
"Reign, matanda na ako. Kailangan ko din naman ng makakasama sa buhay. Lumalaki na kayo, mag-aasawa din kayo, tapos ako dito, maiiwang mag-isa?"
"Ayon na nga, paano si Sophia? Ano na lang mangyayari kay Sophia?"
Bakit parang nalulungkot ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ako ang dahilan kung bakit hindi magiging masaya si Mama. O sadyang selfish lang talaga ako at hindi ko maintindihan ang gustong iparating ni Mama.
Oo tuma-tanda na din si Mama. And I want the best for her. Gusto ko siyang maging masaya. Pero hindi sa ganitong paraan.
Pumapasok sa utak ko ngayon ay kung bakit ganoon si Mama? Ang dali niya kaming palitan? June niya pa lang nakilala ang lalaking iyon at August pa lang ngayon.
Parang ang bilis naman yata niyang magtiwala sa taong iyon?
Hindi nagtagal ay nag-salita ulit si Mama. At hindi ko alam kung magugustuhan ko ba iyon o magi-start na magalit ako kay Mama.
"Aalis kami Reign."
"At saan kayo pupunta?!"
"Sa kabilang district."
"Nag-bahay na kayo doon?!", rinig ko ulit na pasigaw na tanong ni Kuya Reign.
"Reign, kailangan niya akong panagutan."
At doon ako napatigil.
Did she just say that? O nakakarinig lang ako ng kung ano-ano dahil sa pagka-kape ko?
"What?! So, buntis ka?!", at narinig kong tumawa si Mama.
"Hindi ah. Sa tanda kong 'to? At saka Reign, nandito na 'to eh, hindi na maibabalik yon."
"Oh eh bakit mo ginawa in the first place?!", sigaw na naman ni Kuya Reign.
"Nagmahal lang naman ako."
And with that ay sinarado ko na ang pinto. At umupo na lang sa likod ng pinto.
Selfish na kung selfish. Pero ayokong umalis sa amin si Mama. Masaya naman sa amin si Mama eh. Bago pa man dumating ang lalaking iyon, masaya na kami nila Mama.
Pero si Mama, masaya kaya sa amin?
Bakit may ganito na naman?
Nakakapagod eh.
Pagod na pagod na ako. Pagod na iyong isip ko. Pagod na puso ko. Pagod na iyong sistema ko. Pagod na iyong buong ako.
Hanggang kailan ba matatapos ito?
🌹 🌹 🌹
Kinabukasan ay nagising ako na sobrang tahimik sa labas ng kuwarto ko. Nagtaka naman ako kaya bumaba na ako at nagpunta sa kusina dahil gutom na ako.
Wala sa living room si Mama. So nasaan kaya siya?
Bago ako makarating sa kusina ay may narinig akong nag-uusap kaya imbis na pumunta ako agad sa kusina. Nagtago naman ako sa gilid.
"Ano, payag ka na mag-asawa ulit si Mama?", tanong ni Kuya Reign.
"Siya. Kung ano ang desisyon ni Mama." Rinig kong sagot naman ni Kuya Red.
"Paano si Sophia?", kahit hindi ko na tingnan si Kuya Reign ay alam kong paiyak na siya. Bigla kasing nag-crack iyong boses niya.
"Pag-tulungan na lang natin si Sophia para makapag-tapos siya ng pag-aaral niya." Explain ni Kuya Red.
Nanatili silang tahimik for a while. Kaya it's my turn na para magtungo doon sa kusina. Nagtimpla agad ako ng kape. I even did my coffee silently. After niyon, ay napagpasyahan kong umalis na dito, napagpasyahan ko na lang na doon na lang mag-kape sa kuwarto ko.
Pero paalis na sana ako nang tawagin ako ni Kuya Reign bigla.
"Sophia, maupo ka na muna." Sumunod naman ako.
"Payag ka ba sa desisyon ni Mama?", tanong ni Kuya Reign sa akin.
"Kayo ang bahala." Sagot ko.
"Sasama ka ba kay Mama?", tanong ulit niya.
"Ewan." Sagot ko na lang dahil maski ako ay hindi alam ang isasagot ko.
"Huwag kang sasama doon Sophia. Hindi ka talaga makakapag-tapos."
At napabuntong-hininga ako.
"Pumayag na lang tayo para wala ng gulo." And with that word, pinilit ko na lang na huwag ng tumulo ang luha ko sa harap nila.
Kung sumama man siya doon sa lalaking iyon, wala na din siyang pinagkaiba sa tatay namin.
I know it's hard, but we all know it's the best.
Bahala na.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
