Sometimes a smile happens in a flash. But the memory of it can last a life time.
So just smile.... 😊
🌹 🌹 🌹
Hini-hintay na lang namin natapos ang 15 minutes para mag-lunch kami. Pero maya-maya ay pumasok si Ma'am Juvel, adviser namin.
Patay na kami nito. Kapag kasi kakausapin kami ni Ma'am Juvel, it's either may announcement or sesermonan kami.
"Class, ano bang nangyayari sa inyo?", paunang tanong ni Ma'am Juvel.
"Lahat ng teachers sinu-suka na kayo. Sa tuwing nagtuturo daw sila, nakikipag-sabayan kayo. Maski si Sir Nelson, admin yon dito sa school. Tapos gina-ganiyan niyo lang?", galit na tanong ni Ma'am Juvel. "New semester na next next week, pero wala nang gustong mag-subject teacher sa inyo."
Haays... Ito na naman po tayo.
Kilala kasi ang section namin na pinaka-maingay pero matatalino daw. Sabi nga ng ibang teacher sa amin ay 'walang silbi ang pagiging matalino, kung patapon naman ang mga ugali niyo!'
Ganoon ba talaga kami ka-pawasay? Tipong sinu-suka na kaming lahat ng teacher?
"Hindi niyo man lang sila bini-bigyan ng respeto. Matatanda na kayo! You're not a kid to be a very naughty. And you're not a kid anymore to understand you. May mga alam na kayo. Maiintidihan niyo na ang lahat. Pero bakit ganito? Ayaw niyo ba sa school na ito?" at unti-unting humikbi si Ma'am Juvel.
"Alam niyo bang kayo ang nagpa-iyak sa'kin nang ganito? Kilala ako sa school na 'to na kinakatakutan, matapang. Pero hindi ko kayo kinaya."
Tahimik lang kami.
Sa loob ng sixteen years, ngayon lang ako nakakita ng teacher na umiiyak... Nang dahil sa amin.
"Katabi niyo lang ang principal's office oh. Hindi man lang kayo nahiya. May mga problema ba kayo?"
Oo nga, katabi namin ang principal's office. At kung wala ang pader ay iisang room na kami.
"Last na to ah. Isang ulit pa. Dissolve tong section niyo. Tandaan niyo yan." Sabi ni Ma'am sabay labas ng room namin.
Haay... Kami na yata ang pina ka-worst section dito sa school.
🌹 🌹 🌹
Natapos ang araw na ito na sobrang lungkot namin. End of semester na kasi. At dagdag mo pa na may sermon kami galing kay Ma'am Gel, teacher namin sa Politics at Philosophy.
Actually, hindi naman talaga sermon yon. Sabi niya kasi 'wag kayo magtaka kung bakit wala nang gustong humawak sa inyo. Pati adviser niyo, napaiyak niyo. May problema ba kayo dito?'
Worst section nga kami diba? Dumating din sa puntong binanggit pa ni Ma'am Gel na ididi-ssolve daw kami. Haays.
Mga kaklase ko kasi.. Minsan kasi kapag may teacher nagse-cellphone o kaya naman ay nagma-make up kahit sa room lang naman sila.
Pero kahit ganoon yong mga classmate ko at mahal na mahal ko yong nga yon. Solid kami. Support kami sa bawat isa. Hindi mabubuo ang isa kung kulang ng isa.
Pero kung ididi-solve naman. Ewan bahala na.
Edi hindi na solid.
Last class na namin sa Saturday after no'n ay sembreak na namin. Kaso, isang lingho lang iyon. Tapos bagong sem na. Ang bilis ng araw no? Parang kailan lang ang lahat.
Parang kailan lang mahal ko pa siya. Mahal na mahal... Ngayon... Ma-ay wait... Bakit ko ba sinasabi ang mga 'to?
Sorry na, na-carried away lang.
"Uwi na tayo." Sabi ni Shane.
Tumango naman na ako. Gabi na rin kasi at nakatambay pa kami sa Plaza.
Nag-abang kami ng jeep, hindi naman nagtagal ay naka-sakay na kami.
Pagdating ko sa bungad ng Subdivision namin ay nakita ko si Drixx na may hini-hintay. Tiningnan ko siya at ang sama ng tingin niya. Di ko na lang siya pinansin dahil sinalpak ko na ang earphone ko sa tenga ko.
Bahala siya diyan... Dukutin ko mata niya eh.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta agad ako sa kuwarto ko at nag-online sa laptop.
At ang bumungad sa news feed ko ay...
Seener ka masyado pre?
Sinulat ni Drixx sa timeline ko.
Shit. What the hell is his problem?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
