Chapter 75

1 0 0
                                        

Naghihintay ako sa sala namin para sunduin ako ni Drixx. Pero ewan ko ba kung bakit ang tagal niya. Tinawagan ko siya through messenger, at sabi niya ay patapos na raw siya. Patapos na raw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumupunta rito sa bahsy namin.

Tinawagan ko na lang siya ulit. Nakailang ring pa iyon bago niya masagot.

"Ano na po? Tagal mo ah?", panimula ko sa kaniya.

"Malapit na ako matapos. Pupunta na ako diyan babylove." Sagot naman niya.

"Dalian mo na ah. Ano oras na eh."

"Opo babylove."

Saka inend ko ang call. Tiningnan ko naman ang loob ng maliit kong bag kung may nakalimutan pa ba ako. At ayon, nalaman kong wala na akong nakalimutan.

Sa paghihintay ko ay unti-unti aking nabored kaya lumabas ako ng bahay at pumunta sa tapat ng bahay nila. Sinisilip si Drixx kung ano ang ginagawa niya dahil ang tagal niya. Ako pa ang nauna sa kaniya. Diba babae ang mabagal kumilos? Bakit parang si Drixx pa ang lalaki sa amin?

"Hanap ka ni Drixx ah." Napatingin ako sa nagsakita sa likod ko. Kinunotan ko naman siya ng noo dahil ano na naman ang pinagsasabi nito.

"Tawag ka ni Drixx. Miss ka na daw niya."

Oo nga pala, alam na ng lahat na break na kami. Except lang kila Mama at Kuya dahil hindi ko sinasabi.

"Tigilan mo 'ko Dexter, magka-chat kami ngayon." At inirapan ko siya.

"Ayy." Rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Nababaliw na naman kasi siguro siya.

Naupo aki ulit sa sofa dahil ang tagal nga naman talaga ni Drixx.

Alam kong matagal ako, pero mas may itatagal pa pala si Drixx.

Baka nag-skin care pa ang isang iyon. Naku, daig pa ako.

Kaunti na lang talaga at iisipin kong hindi talaga siya straight. At siya talaga itong babae sa aming dalawa. Siguro nasa maling katauhan lang siya. Bawi na lang siya next life.

Maya-maya ay narinig kong may naglalakad at nakita ko na si Drixx na ngingiti-ngiti. Ngiting-aso to be exact. Kinunotan ko siya ng noo.

Nagpaalam kami kay Mama na aalis na dahil baka gabihin na kami sa pag-uwi. Baka ma-traffic ngayon. What do you expect here in Manila? Palaging traffic. Pagkatapos niyon ay naglakad na kami papuntang terminal kung saan naghihintay sila Shane at kung saan kami sasakay.

"Tagal niyo ah." Bungad na sabi sa amin ni Althea.

"Ito kasi, nag-skin care pa." Turo ko kay Drixx na kausap ngayon ni Kuya Roniel habang nagfi-fist bump.

"Nahiya naman tayo." Sabi ni Shane.

"Hindi, inayos ko lang yong sapatos." Sagot naman ni Drixx.

"Hindi kasi inayos kagabi." Sabi ko pero ngumiti lang siya bilang sagot sabay abot ng pamasahe naming dalawa.



🌹 🌹 🌹



"Picture kayong mag-jowa." Sabay hila sa amin ni Shane. Kinuha ni Shane ang cellphone ni Drixx at pumwesto siya sa harapan naming dalawa. "Smile." Rinig naming sabi niya kaya ngumiti ako. Saka nag-flash ang cellphone ni Drixx.

"Hawakan mo naman sa bewang si Sophia." Sumunod naman si Drixx sa sinabi ni Shane. Nakahawak si Drixx sa bewang ko ngayon habang pini-picturan kami ni Shane.

"Next pose naman. Tingnan niyo ang mukha ng isa't-isa." Kunot-noo kong tiningnan si Shane pero ngumiti lang siya na akala mo kinurot ang singit.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now