Chapter 32

6 0 0
                                        

Kanina ko pa iniisip ang sagot kung bakit nandoon si Dobi sa panaginip ko. At dalawang beses pa siyang nandoon.

Napatingin ako sa labas ng bahay namin at nakita ko siya.

Mukhang alam ko na kung kanino ko itatanong itong lahat.

Bumaba ako at lumabas ng bahay at pumunga kay Ate Gretchen.

Alam kong sa kaniya lang mahahanap ang sagot.

"Hi Sopia. Bakiy ngayon ka lang yata lumabas ng bahay niyo?", bungad niyang tanong sa akin.

"Busy eh." Sagot ko sabay upo sa gilid ng gutter sa tabi niya na katapat ng bahay namin.

"At ano namang ikina-busy mo? Wala ng pasok ah." Taka niyang sabi.

"Mobile legends lang. Mage-end season na eh." At natawa naman siya.

"Ate, puwedeng mag-tanong?", tanong ko da kaniya.

"Sure, ano yon?", ngiting tanong niya.

"Diba sabi mo dati ate may napanaginipan ka?", panimula ko.

"Na?"

"May napanaginipan ka before na hindi mo naman kilala pero naging asawa mo na ngayon."

"Oo, no'ng napanaginipan ko siya, blurred pa ang mukha niya."

"Eh paano naman kung sa panaginip mo sobrang linaw no'ng mukha niya pero no'ng magising ka, naka-limutan mo yong mukha?"

Naalala ko na naman yong panaginip ko noon.

"It only means siya na yong destiny mo."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Just like your age, I already found the Mr. Right. And at the age of yours, God is already giving the signs. And you just neet to find out what that signs is."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Eh paano kung sa panaginip mo, sobrang linaw ng mukha no'ng lalaki, pero no'ng pag-gising mo, nakalimutan mo. Pero sabi ng iba, iniisip ka no'ng taong yon kaya mo siya napanaginipan." Explain ko sa kaniya.

"Oo, totoo yon."

"Paano nangyari yon? Eh hindi mo nga siya kilala tapos hindi mo pa nakikita."

"I told you earlier. God is giving the signs."

So, totoo nga talaga iyon?

"Alam mo dati... Tiningnan ng lolo ko yong dalawang kamay ko." At napatingin ako sa kamay niya. "He told me that in every line has a meaning. Hinulaan niya pa ako dati na 'yong asawa ko daw ay matangakad at kulot ang buhok. But those time, I don't believe of what he's saying. Then now, it happen."

Shocks! Gusto ko na din mag-pahula sa lolo niya.

"Buhay pa ngayon ang lolo mo?"

"Oo naman, nasa probinsiya nga lang."

May gusto pa akong malaman.

"Paano naman kung napanaginipan mo ang isang lalaki na hindi mo naman kilala, tapos nandoon ang ex mo? Ibig sabihin ba n'on epal lang doon ang ex mo?", tanong ko kaya natawa siya ng sobra.

May nakakatawa ba doon sa sinabi ko?

"It means, magiging karibal ng blurred na lalaki yong ex."

Then unti-unting nag-sink in sa'kin ang lahat.

"Alam mo... Kapag magka-mukha kayo ng boyfriend mo, kayo na ang magkaka-tuluyan."

"Eh paano kung hindi mo kamukha yong asawa mo?", curious kong tanong.

"Edi mag-hihiwalay sila. At hahanapin nila kung simo talaga ang para sa kanila."

And that'd how destiny works.

"At the age of yours... God is giving the signs already. You just have to wait. Sa bawat tao, may string na naka-tali, habang paiksi ng paiksi ang string na iyon, unti-unti ng nagkaka-lapit ang dalawang naka-tadhana.

Napatingin naman ako sa kamay ko kung may string nga pero wala naman.

"Ano ka ba?!? Siyempre invisible lang." Kaya natawa na lang kaming dalawa.

"Wag mong hanapin. Just wait to that right time. It will come." At napangiti ako.

"Oh Sophia at Gretchen, maligo na kayo, 5:30." Sabi ni Mama.

Magsi-simbang gabi kasi kami mamaya. Pangalawang gabi na namin mamaya.

Si ate Gretchen naman ay tumayo na at ngitnitian ako at ngumiti din ako kaya umalis na siya.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko si Drixx. Kaya umiwas na ako ng tingin at napatingin sa langit.

Napabuntong-hininga ako...

Hindi ko mapigilang hindi umasa.

Siya na kaya?

Si Dobi na nga ba yong nasa panaginip ko?

Did I already found him?

⚜⚜⚜

"Sophia, tara na?", tanong sa akin ni Kuya Ram.

Kapag may pasok kasi ako ay hina-hatid niya ako sa school. Bago pumunta sa work niya.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.

At napatigil ako dahil nakita ko siya na sumakay sa kotse ni kuya.

What's his even doing in there?

Don't tell me, sasama siya sa pag-hatid sa'kin?

Hindi siya belong sa family namin.

Sumakay na lang ako sa likod at silang dalawa ay nasa harap na masayang nag-uusap.

Tahimik lang kaming tatlo nang makarating kami sa tapat ng school ko.

Bumaba na ako sa kotse at nag-simula nang maglakad.

Nang biglang may nag-salita.

"Galingan mo ah. I love you." At napatigil ako.

"Sophia, gising na." At napamulat ako.

Bumangon at hinimas-himas ang ulo ko.

Panaginip na naman?

Nong isang gabi si Dobi. Tapis kagabi si Drixx.

Bakit ba ganoon?

Si Drixx naman ang nasa panaginip ko?

Ang gulo.

Inisip na naman kaya ako ni Drixx?

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now