Chapter 7

17 1 0
                                        

Buong gabi kung inisip si Matthew, pero I ended up dreaming Drixx.


It's so exhausting. Bakit ganoon? Sabi ng iba, isipin mo daw yong isang tao para mapanaginipan mo siya.


Pero, inisip ko naman si Matthew, pero bakit si Drixx nandoon sa panaginip ko?


Ang daya naman...


Eh kung isipin ko din kaya si Drixx, para mapanaginipan ko ulit si Matthew.


"Oh." sabay abot ng palabok sa akin ni Shane. Nandito kami sa cafeteria, tapos na kasi namin pasukin lahat ng booths. Except lang doon sa wedding booth. Sino naman kasi papakasalan ko diba? Alangan namang si Shane. Ay basta... Foundation day ngayon.


"Nalilito na tuloy ako. Sino ba kasi talaga?", tanong ko.


"Alam mo ikaw bata ka pa. Malay mo sa ibang araw may makikilala ka pang iba."


"Ang gulo naman kasi ng buhay ko."


"Ganiyan talaga ang buhay parang life." sabay subo ni Shane ng palabok.


Inirapan ko na lang si Shane at sumubo ng palabok.


Sino ba talaga sa kanilang dalawa?


Si Matthew? Si Drixx? O may iba pa akong makikilala pagdating ng tamang panahon?


* * *


"Alam mo, chi-nat ko si Drixx." Sabi ni Althea. Nandito kami sa 7'eleven, malapit sa street nila Shane. Kakauwi lang namin galling school.


Well, althea is one of my best friend kaya lang ay nasa ibang school siya nag-aaral pero malapit lang naman. At isa pa, siya ang pinaka-biased kay Drixx. Well, halos lahat na yata ng kaibigan ko ay gusto si Drixx para sa akin. Edi siya na gusto nila.


"Oh, ano daw sabi?", tanong naman ni Shane  sabay sipsip sa slurpee niyang binili kanina.


"Chi-nat ko kasi siya na bunalik ka na kay Sophia." napatingin ako sa kaniya. "Tapos sabi niya, ayoko na sa kaniya ate." napatigil ako sa sinabi ni Althea. Is that true? Eh paki ko ba sa kaniya?!? Matagal nang wala kami. I don't like him anymore. No'ng mapanaginipan ko ulit si Matthew ay bumalik ang lahat sa'kin... Kung paano ko siya minahal.


"Alam mo naman ang sitwasyon nila diba?!? Maybe, sinabi niya lang iyon para wala ng gulo. I know, mahal pa rin ni Drixx itong si Sophia." at tiningnan ako ni Shane kaya sumipsip na lang din ako ng slurpee.


"Yon din ang nararamdaman ko kay Drixx." Sabi naman ni Althea.


Fine, whatever...


Nang makauwi ako sa bahay ay ginawa ko na agad ang mga assignments ko.


Pagkatapos no'n ay nag-online muna ako.


And to my expectation ang daming nag-chat sa akin.


But one unexpected person caught my attention.

Chi-nat niya ako...


Drixx: Uy
Drixx: Hey Musta?


Akala ko ba ayaw niya na sa akin?


I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now