Chapter 83

7 0 0
                                    

"Ikaw ang mauna pumasok kila Nigel. Kapag nagtanong si Andrew bakit wala ako, sabihin mo nag-extend ang class namin." Sambit ko kay Mike na nasa likuran ko ngayon. Sinundo niya kasi ako sa University kasi hinahanap ako ni Andrew. Hinahanap ako n'on dahil lasing na siya at kailangan niya raw ng may susundo sa kaniya. Wow diba? Ako na nag-aaral mabuti, ang hahanapin niya para sunduin siya sa inuman? Lakas ni Andrew. But it's okay, he's my friend after all.

"Oo sige." Sagot naman niya at nag-high five pa kaming dalawa saka sabay na tumawa.

Naunang pumasok si Mike habang ako ay hinu-hubad ko ang sapatos ko.

"Wala si Sophia, nag-extend sila ng oras sa klase." Narinig kong sabi ni Mike pero wala akong narinig na sagot mula kay Andrew kaya naisipan ko ng pumasok sa pinto ng dahan-dahan at tiningnan ang ginagawa niya sa cellphone niya. Saka ko nakita si Andrew na nakaharap sa cellphone niya. Nakikita ko pa na icha-chat niya na sana ang account ko pero bigla siyang napatingin sa puwesto ko kaya napangiti siya.

"Okay ka na ba?", tanong ko. Tumango lang siya at ibinalik ang atensyon niya sa kaniyang cellphone.

Kaya pala ako nandito ay nag-chat sa akin si Andrew na magpapa-sundo siya galing sa inuman dahil nahihilo na raw siya. Isa pa para matulungan ko si Angel na kasama nila sa inuman kanina dahil nagsusuka raw. Para walang awkwardness na maramdaman ay ako ang unang tinawag ni Andrew para alalayan si Angel. Si Angel pala ay iyon yong kaibigan ni Mike na naging kaibigan ko na rin dahil sa kanila.

"Puntahan ko muna si Angel ah." Sambit ko sa nananahimik na si Andrew. Siguro ay nahihilo pa rin siya dahil sa ininom nilang alak.

Iinom-iinom kasi hindi naman pala kaya.

Lumapit naman ako kay Angel na katabi ni Mike. Tapos katani naman ni Mike si Nigel na tulog. Pareho sila ni Angel, parehas tulog.

Kung hindi ko pa nababanggit sila, si Nigel iyong naka-green na malapit nang masagasaan dahil sa kalasingan noong nakaraan. Si Mike naman iyong naka-white shirt noon.

Edi sana all walang iniintinding defense para bukas. Finals kasi namin iyon sa isang major subject.

May mga topic na binigay sa amin si Sir Ian, tapos kami na ang pipili kung ano ang problem at kailangan namin iyong bigyan ng solution at kapag nabigyan na ng solution ay ide-defense na namin. At ang defense na iyon ay bukas na.

Tapos ako, eto ngayon chill na chill na nakaupo sa tabi ni Angel. Nagka-usap naman kami ng mga ka-grupo ko para sa defense bukas kanina. Pero dahil lowbatt na ang laptop ni Trichia ay napag-pasyahan na lang na umuwi na at mamayang gabi na lamb gagawin.

Imagine, bukas na ang defense namin pero wala pa kaming naaaral kahit kaunti sa topic namin. Kamusta naman 'yon diba?

"Mike, gising mo na sila. Uuwi na tayo." Rinig naming sabi ni Andrew sabay tayo at pumunta sa lababo at nag-hilamos.

"Angel?", sabay tapik ko sa balikat niya pero walang effect dahil tulog na tulog pa rin siya.

"Angel, gising na. Uuwi na raw tayo." Sabi ko pero hindi pa rin siya nagigising.

"Angel kaya mo ba?", tanong ko ulit at saka dahan-dahan siyang tumango. Does that mean hindi siya tulog?

"Kaya mo bang umuwi?", tanong ko.

"Papagalitan ako ni Mommy kapag umuwi akong lasing." Sagot ni Angel.

"Alam mo ba kung nasaan ang bahay niyo?", sumagot si Angel na naging dahilan ng pagtawa namin ni Mike.

"Sa Antarctica."

"Eh nasaan ka ngayon?"

"Nasa Abu Dhabi." Natawa kami ulit.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now