Chapter 45

5 0 0
                                        

"Gusto mo ng balut?", tanong sa akin ni Drixx.

Mukha ba akong kuma-kain ng gano'n?

Hindu naman sa pagiging maarte pero ayaw ko lang talaga iyin.

"Penoy, gusto mo?", umiling ako.

"Chicharon?", umiling na naman ako.

"Pork Barbeque?", umiling ulit ako.

"Ano bang kinakain mo?"

"Cup Noodles." Prenteng sagot ko sabay upo sa may gutter.

"Kaya ka puma-payat eh." At tiningnan ko siya ng masama. Siya naman ay tumawa lang kaya lalong sumingkit ang mga mata niya.

Singkit kasi siya.

Asset kasi siya ng China.

Umupo naman siya sa harap ko.

"Ba't ganiyan suot mo?", at inilapit niya ang mukha niya sa akin, kaya umiwas ako at gilid lang ng noo ko ang hinalikan niya.

"Bat ganiyan suot mo?", tanong niya ulit sa akin at tiningnan ko ang suot ko.

Isang maiksing black shorts at isang oversized shirt. What's the problem with that?

"Okay naman ah." Sagot ko agad.

"Okay na yan sa'yo? Ang iksi-iksi ng shorts mo, tapos ganiyan pa upo mo? Eh may mga lalaki oh. Kanina ka pa tini-tingnan." At tiningnan ko naman ang mga lalaking nandoon sa pinagtatambayan nila Carl at David at ng mga kaibigan niya minsan.

"Oh tapos titingnan mo pa." At tumingin ako kay Drixx kaya hinalikan na naman niya ang noo ko.

"Hindi naman ah. OA mo." Sagot ko.

"Siyempre umiwas na kasi nakitang hinalikan kita." At tumawa siya kaya natawa na lang din ako sa kaniya.

"Tumayo ka na diyan. Nakikita short mo."

Minsan ang OA ni Drixx. Ang iksi daw ng short ko, malamang kasi short kaya maiksi. May short bang mahaba?

Inilahad niya ang right hand niya sa akin kaya kinuha ko iyon ay hinila niya ako patayo.

Maya-maya ay niyakap niya ako mula sa likod.

"Ang bango-bango mo babylove." Bulong niya sa tenga ko.

"Kasi naligo ako. Ikaw hindi." Sabi ko.

"Ang baho mo."

"Naligo ako..." Alam kong naligo siya.

Ang bango-banho nga niya eh. Amoy Lacoste. Sobrang tapang nga ng pabango niya. At nang humangin pero hindi naman malakas ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Alam mo kanina may sinabi sa'kin yong kaibigan ko." Panimula ko.

"Ano yon?", tanong niya.

Nandito kami sa may tulay. Niyayakap niya ako mula sa likod at inilagay niya ang chin niya sa balikat ko at pinapanood ang ilog na duma-daloy.

"Yong boyfriend kasi ng kaibigan ko takot iwan ng kaibigan ko." Panimula ko.

"Tapos anong nangyari?"

"Halimbawa ako yong lalaki ah."

"Sige lang."

"Buntisin na kaya kita para hindi mo 'ko iwan."

Sinabi kasi sa akin ng kaibigan ko iyon. Ayon nga takot yong lalaki na iwan, kaya ganoon. Ang pangit naman n'on diba? Paano na lang kung magka-sawaan? Paano na lang kung biglang lumamig ang relationship nila in the end? Tapos ile-let go nila ang isa't-isa.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now