Napag-kasunduan naming dalawa ni Drixx na maglibot-libot sa labas ng subdivision namin. Wala naman kasi kaming magawa sa loob ng bahay.
Bakasyon pa din kasi at alam niyo namang boring iyon.
Ayaw din naman mag-swimming nila Mama dahil busy daw pati na din sila Kuya. Business matters.
Nagising siguro kami para matulog ulit.
Chaar.
I always cherish every day...
"San tayo unang pupunta?", tanong sa akin ni Drixx nang marating namin ang dalawang kalye.
At ang kalyeng iyon ay paikot lang. Kapag dumaan ka sa kaliwa ay lalabas ka sa kanan at lalabas ka din sa kanan kapag pumunta ka sa kaliwa.
"Kahit saan." Sabi ko. Hindi siya sumagot at hinila niya ako at nagtungo kami sa kanan.
Naglakad kaming dalawa nang magkahawak-kamay. At habang naglalakad kani ay pinag-uusapan namin ang course naming kukunin namin sa college. Which is IT and kukunin niya, while HM naman ang naiisip kong i-take. At ito pa hah. Gusto niya daw ng mansyon. Sa mansyon daw kami titira. Aba! Tapos ang nakatira, dalawang tao lang 'no?
At naisip niya pa na magiging isa siya sa mga mayayaman sa Pilipinas.
Okay. Ang lawak ng imagination niya. But for me, gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya. Kahit na, kahit na hindi na kami n'on.
Bago pa man kami makapasok sa subdivision namin ay may nakita kaming nagtitinda ng halo-halo, hindi pa man ako nakaka-hindi ay hinila pa din ako ni Drixx papunta doon.
"Girlfriend mo Drixx?", bungad na tanong ng gumagawa ng halo-halo kay Drixx. Magka-kilala yata kasi sila.
"Asawa ko 'to." Sabay hawak niya sa bewang ko.
"Hindi ka na mag-aaral?"
"Mag-aaral pa din siyempre." At sabay silang natawa na dalawa.
"Mama siya ni Joshua." At napatango naman ako sa kaniya. May kaibigan kasi si Drixx na Joshua. At no'ng makita ko ang Joshua na iyon ay nasabi ko na lang na sana all may cleavage.
Nag-kuwentuhan lang kami doon ng kung ano-ano. At siyempre tawa kami ng tawa sa mga kuwento ng Mama ni Joshua.
Nang matapos naman ang kuwentuhan naming iyon. Actually sila Drixx at iyong Mama lang naman ni Joshua ang nag-uusap. Nakikitawa lang ako. Wala naman kasi akong masabi eh. After nga n'on ay umuwi na kami ni Drixx, hinatid ako sa labas ng bahay namin ni Drixx. Nang makapasok naman ako sa loob ng bahay ay kaagad na dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Habang umiinom ako ay lumapit sa akin si Kuya Reign na naka-kunot ang noo. Mukha siyang galit.
Bakit naman kaya siya galit?
"Sino yong lalaking nag-hatid sa'yo kanina?!", galit na tanong sa akin ni Kuya Reign.
"Ha?", napa-hah na lang ako dahil nakaramdam ako ng kaba dahil sa pagtatanong na iyon ni Kuya.
"Sino yon?!", halos pasigaw na tanong sa akin ni Kuya Reign. Kaya inilapag ko ang baso sa mesa at dahan-dahang tumingin sa kaniya.
"Si Drixx." Sagot ko.
"Ano mo yon?"
"Boy... Friend." Mahina kong sabi dahil any minute parang tutulo na ang luha ko sa dalawa kong mata.
"Ano?! Diba sabi ko sa'yo bawal ka muna mag-boyfriend?!", sigaw niya ulit kaya napayuko na lamang ako.
"Tawagin mo nga si Mama." Walang pag-aalinlangan ko namang sinunod si Kuya.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Fiksi RemajaSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
