Maaga akong nagising dahil pa may activity na gagawin kami sa Values ngayong araw. Hanggang 9 AM lang puwede ipasa. 7:30 AM na ngayon, well kakagising ko lang. Hindi pa ako naghihilamos at nagto-toothbrush ng buksan ko ang laptop at nag-online sa facebook.
At habang naglo-loading ay sumagot na lang muna ako sa activity namin sa Values. Ang tanong kasi doon ay anong Values ang maituturo namin sa aming future anak.
Bago ko iyon sagutan ay nagtungo na muna ako sa CR para maghilamos at mag-toothbrush, umihi na rin. After n'on ay bumalik na ako sa harap ng laptop at nagsuot ng salamin na may radiation.
Binasa ko uli yong tanong at huminga ng malalim at ngumiti.
Patience. I will teach them how to wait. Because you don't have to rush things. You have to wait until it's okay. And if it happens, it will be. You have to wait no matter what. Whatever it takes and how long it takes. Waiting is not boring. Waiting for the thing is worth it.
And with that, pinasa ko na. Pumunta naman ako sa facebook at may message galing kay Shane.
Shane: Oi asan ka ba? Lowbatt ka?
Shane: Usap daw kayo ni Drixx
And it was sent 10 hours ago. Maaga kasi akong natulog kagabi. Siguro ay 9 PM pa lang ay nakatulog na ako. Napagod kasi akong mabored.
Napakunot-noo naman ako dahil bakit kami mag-uusap ni Drixx.
Siya na ang nagsabi last time na ayaw niya na akong kausapin. Tapos siya itong kakausap sa akin? Ilang araw na ba kaming break? February 28 ngayon. 6 days na pala mula nang makipag-break siya sa akin.
At sa loob ng anim na araw na iyon ay nandito lang ako sa kuwarto ko. Mabuti nga at hindi na ako tinanong ni Mama kung ano ang problema ko eh. Dahil kapag tinanong ko, aba! Baka wala pang salita na lumalabas sa bibig ko ay umiiyak na ako.
And I still love him. And still... I'm hoping for him to come back. Na baka kailangan lang niya ng pahinga, mag-unwind, matanggal yong galit. And after n'on, babalik na siya sa akin. Sana..
Maghihintay naman ako eh. I don't care if it takes years, hihintayin ko siya. Patience. That's all I can do for now.
Napatingin naman ulit ako sa chinat ni Shane.
Usap daw kayo ni Drixx.
Ano naman ang sasabihin niya? Mag-uusap kami for closure? Kailangan pa ba yon?
Sophia: Bakit daw?
Shane: Hindi ko alam. Try mo i-chat
Napatingin ako sa kawalan. Ano namang pag-uusapan namin? I'm sure about sa amin yang sasabihin ni Drixx. Pero ano? Dahil ba closure? Dahil ba lilinawin niya na hindi na siya babalik? Dahil ba ayaw niya na talaga?
Kasi kung closure ang pag-uusapan namin, ayoko munang makipag-usap. Hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Dahil baka this time ay hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha kong bumagsak. At madadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayong.
Ayokong makita niya na miserable ako. Ayokong makita niya na nasasaktan ako.
Lumalabo na naman ang paningin ko. Gosh. Kailangan kong pigilan ito. Ayokong umiyak.
Ilang araw ko ng pinipigilan tumulo ang mga luha ko. As long as kaya kong pigilan ang mga luha ko. Pipigilan ko.
Sophia: Ayoko muna siyang kausapin
Sophia: Kausapin mo na lang muna siya
Shane: Isantabi niyo muna ang mga galit niyo. Usap kayo about sa relasyon niyo
Shane: Kung ano man ang mapag-desisyonan niyo, kayo na ang bahala
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
