Chapter 37

6 0 0
                                        

( Ui babylove... )

Rinig kong sambit ni Drixx sa kabilang linya.

"Hmm?", tanong ko.

Nasa labas ako ng bahay namin. Naka-upo sa gutter.

Lumabas ako kasi nandoon ang girlfriend ni Kuya Loel. Dumating na siya kasi siya, kahapon pa.

At siyempre mag-jowa 'yon. Kaya ako na ang umalis sa loob. Si Mama kasi ay lumabas at pumuntang kapitbahay at naki-kanta ng videoke ng kapitbahay.

Kaya umalis na ako at baka hindi pa sila makapag-moment dahil sa'kin.

Kaya nandito ako sa labas ng bahay namin at hinintay mag-12 11:30 PM na kasi at nakaupo lang ako habang naka-tingin sa stars.

Ang daming stars kaso walang moon. Ano kaya iyon?

( Huwag kang maghahanap ng iba ah. )

Napakunot-noo naman ako. Bakit out of nowhere niyang itatanong iyan?

At bakit sa lahat ng itatanong, yan pa ang itatanong?

"Bakit?", nasabi ko na lang sa kaniya.

( Ahh... So, maghahanap ka nga? )

"Ui hindi ah... I mean bakit mo naman nasabi yan?", tanong ko agad.

( Wala... Kasi baka mag-hanap ka ng iba )

"Hindi ah..."

( Wag ka maghanap ng ibang lalaki ah )

"Oo naman po."

( Kasi baka maghanap ka. )

"Hindi na po."

( Mahal na mahal kasi kita. )

"Ayaw mo 'ko mawala?"

( Oo. Mahal na mahal kaya kita kaya ayaw kitang mawala lalo. Talo ako pagdating sa'yo. )

Anong ibig sabihin niyang talo?

"Bakit naman?", hindi ko talaga siya maintindihan.

( Kapag nawala ka, di ko alam gagawin ko. )

Ngingiti na ako nang may maalala ako bigla.

"Pero iniwan mo 'ko noon." Lungkot kong sabi.

( Wag mo na kasing ibalik ang nakaraan babylove please )

Huminga ako ng malalim. "Okay."

( Wag lang mawawala sa akin ah. I love you... )

Sasagot pa sana ako nang biglang mamatay ang tawag. No'ng i-dial ko ulit ang number ni Drixx ay over na daw ang tawag ko.

Kaya chi-nat ko na lang siya.  Kaya lang hindi siya online, one minute na lang new year na.

At lumapit sa akin maya-maya si Maymay.

"Tara labas tayo." Sabi niya at tumauo na lang ako. Wala din naman kasi akong ginawa dito kundi umupo lang.

Then at exactly 12:00 AM sa phone ko ay nag-chat ako ng Happy New Year sa mga friends ko at sa mga relatives ko.

At napahinto ako nang makita ko ang name ni Dobi na unahan sa active list ko.

Ige-greet ko ba siya?

Pero kasi hindi siya online.

Bahala na nga...

Chi-nat ko siya ng 'Happy New Year' at nag-log out na ako.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now