"Bilisan mo babylove." Rinig kong sabi ni Drixx.
"Oo ito na." Sabi ko sabay suklay ng buhok ko. Sinuklay ang buhok ko kahit hindi talaga masuklay. Isang linggo ba namang hindi nasuklay buhok ko eh. Kamusta naman 'yon?
"Wala ng ibibilis 'yan?", sarcastic na tanong ni Drixx.
"Hirap kaya mag-suklay." Sabay irap ko sa kaniya. Tumayo naman siya bigka at kinuha niya ang suklay sa kamay ko ay nag-simulang suklayin ang buhok kong akala mo dinaanan ng tornado.
"Nagsu-suklay ka pa ba?", sungit na tanong ni Drixx.
"Medyo." Sagot ko.
"Kababae mong tao pero hindi ka nagsu-suklay."
"Alam mo kung magre-reklamo ka? Ako na magsu-suklay."
"Ako na, malapit na matapos eh." Sabi niya. Hinayaan ko na lang siya na suklayin ang buhok ko.
Hindi naman nag-tagal ay natapos na din ang pag-suklay ko sa buhok kong dinaanan nga ng tornado.
"Next time kasi mag-suklay ka."
"Opo master." Sagot ko na lamang sa kaniya.
"Tita alis na po kami." Sabi ni Drixx kay Mama.
"Oo sige. Magi-ingat kayo." Sagot naman ni Mama.
"Opo ma." Sagot ko naman.
"Sige na dalian niyo na. Uulan pa yata." Sambit ni Mama. Medyo makulimlim na rin. May bagyo raw kasi kaya umalis na kami kaagad dahil baka maabutan pa kami ng malakas na ulan.
Dali-dali kaming naglakad patungong sakayan ng jeep. Marami namang nakapila kaya nakasakay kami kaagad bago pa man bumagsak ang kaninang pini-pigilang ulan. Bumuhos na siya ngayon.
Sabagay katulad ng ulan, mahirap ng pigilan ang gusto nang kumawala.
Medyo traffic sa may highway dahil bumabaha na.
Bakit ngayon pa kasi nagka-bagyo? At bakit ngayong birthday pa ng classmate ni Drixx ang birthday niya?
Naglaro na lang ako ng bitlife habang naghihintay na umandar ang dyip na sinasakyan namin ni Drixx. Habang si Drixx naman ay nakatingin lang sa kawalan. Mukha siyang may iniisip.
Sinong babae kaya ang iniisip niya ngayon?
Maya-maya ay nakarating na kami sa babaan. Sasakay kami ulit papunta sa bahay ng kaklase ni Drixx. Nakasakay naman kaagad kami patungo doon sa bahay ng kaklase niya. Dalawang dyip daw kasi papunta roon.
And this time talaga ay sobrang traffic na. Halos hindi na gumagalaw ang jeep na sinasakyan namin. Wala namang baha pero heavy ang traffic. 2:30 PM na at nasa kalagitnaan pa rin kami ng daan. Nang mawala naman ang ulan ay unti-unti na kaming bumyahe. Mabilis kaming nakarating sa aming babaan.
Saka namin nakita ni Drixx ang kaklase at kaibigan niyang si Jerwin. Kasing-tangkad ko lang siya at kamukha siya ng pinsan ko. Nakilala ko na siya dahil kapag magkasama kami ni Drixx ka-video call niya iyan pati iyong pupuntahan namin na birthday boy ay nakilala ko na rin.
"Akala ko nawala na kami." Sabay tawa nilang dalawa. Napa-roll eyes na lang ako dahil walang nakakatawa sa sinabi ni Drixx. Anong nakakatawa sa muntikan na kayong mawala?
"First time niyo lang ba dito?", rinig kong tanong ni Jerwin.
"Oo. Sino pang hinihintay natin dito?", taning naman muli ni Drixx.
"Girlfriend ko." At tumango naman si Drixx. Ako naman ay pinaupo muna ni Drixx sa gilid nila, may upuan kasi doon habang hinihintay namin ang girlfriend ni Jerwin.
"Girlfriend mo?", tanong ni Jerwin sabay tingin sa akin. Tiningnan ko lang din siya.
Seryoso ba siya? Mukha ba kaming mag-pinsan ni Drixx? Okay I get itit now. Siguro malayo ang mukha ko sa video call kumpara sa personal.
"Oo." Ngiting sagot ni Drixx at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Iyong ngiti niyang iyon ay para siyang kinikilig sa akin. Ay talaga nga naman oh. Kaya bago pa ako ngumiti pabalik sa kaniya ay sinamaan ko siya ng tingin at nag-lagay ng earphone sa magkabilaang tenga. Pinag-uusapan kasi nila ay about na sa bike na wala naman akong naintindihan.
Maya-maya ay naramdaman ko na lang na kinakalabit pala ako ni Drixx. Kaya tiningnan ko siya at tinanggal ko ang earphone ko.
"Ayusin mo upo mo babylove."
"Maayos naman ah?", tanong ko naman.
"'Wag ka bumukaka." At nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Naka-kunot noo pa ako.
Paano ako bubukaka eh naka-dress ako? Edi nasilipan ako?
Natapos na lang ang favorite song ko pero wala pa rin itong girlfriend ni Jerwin. Nasaan na kaya iyon?
"Hatid ko na lang muna kaya kayo kila Carlos? Baka kasi matagal pa si Jai." Saad ni Jerwin.
"Ikaw tol?", tanong ni Drixx.
"Hintayin ko pa girlfriend ko tol." Sagot ni Jerwin.
"Sige tol." Humarap sa akin si Drixx. "Tara." Saka niya hinawakan ang kamay ko. Tinanggal ko naman ang earphone ko at nagsimula na kaming maglakad.
Naglakad kami ng kaunti at huminto kami sa paradahan ng tricycle at kinausap iyon ni Jerwin at maya-maya ay pinasakay na kaming dalawa ni Drixx saka umandar ang tricycle.
Nasaan ba ang bahay ng Carlos na iyon? Bakit ba kasi ang layo ng bahay nila? Di rin naman nagtagal ay nakababa na kami sa street at nakita namin si Carlos na hinihintay kaming dalawa ni Drixx.
"Kamusta?", tanong sa akin ni Carlos.
"Okay naman." At natawa kaming tatlo.
Kilala ko na kasi si Carlos. Pero sa facebook messenger lang kami nag-uusap. And by the way, first time naming magkita in person. Same as Drixx.
"Akala ko nag-break na kayo?", sabay tawa naming tatlo.
"Alam mo namang hindi ko 'to papakawalan tol." Sagot naman ni Drixx.
"Laging sinasabi ni Drixx yan sa'kin Sophia." At dahil doon ay gumiti na lang ako.
Hindi ako kinikilig. Hinding-hindi.
Mawawala muna ako bago ko aminin na kinikilig ako.
"Pasok kayo." At pumasok kaming tatlo at nandoon pala ang girlfriend niyang si Samantha. First time ko lang din siyang makita. Hindi ko siya close at hindi niya ako close pero nginitian niya ako. Ngumiti na lang din ako pabalik.
Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang ibang invited sa birthday ni Carlos. Well, kilala ko naman ang tatlo dahil nakakausap naming dalawa ni Drixx. Si Reymark, at si Jerwin na kasama niya na ang girlfriend niyang si Jai. Nginitian niya rin ako. At iyong dalawa naman na si Andrew at Gerbie na ngayon ko nakita at nakilala.
Maya-maya ay kumanta na kami ng happy birthday para kay Carlos at kumain na kami. Una namang kumanta si Raymark. At ang masasabi ko lang ay ang ganda ng boses niya. Ang galing niyang kumanta. Sabay-sabay din naman kaming pumalakpak para kay Raymark.
Tumayo ako para bigyan ng chocolate cake si Drixx nang biglang nagsalita si Jerwin sa tabi ko.
"Kahit mag-break man kayo ni Drixx. Magkaibigan pa din tayo." Ngumiti na lang ako sa sinabi na iyon ni Jerwin.
I hope too. And I hope I never lose Drixx.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
