After namin maihanda ang mga gamit namin ay umupo ako sa dulo ng kama ko. At dahil nangalay ang likod ko sa kakaupo ay naisipan ko na lang na humiga. At nakatingin na lang sa kisame ng kuwarto ko.
Bukas kasi ay aalis kami dito at pupunta kami ng Bataan dahil doon gaganapin ang kasal ni Kuya Reign. Yes, ikakasal na siya. Ang bilis ng panahon 'no? Haay. Parang kailan lang, mga bata pa kami nila Kuya. Mga uhugin pang bata, punas sipon sa mga damit. Laro dito, laro doon.
Pero dumating yong panahon na kailangan na nilang umalis dito sa bahay. Isa-isa silang umalis, para mag-asawa na. Magbubukod na at gagawa na ng sariling pamilya. Nakakalungkot but that's life. Selfish mang isipin eh, ayaw ko silang umalis.
Simula kasi bata ay sila na ang kasama ko. Tapos mawawala din at the end of the day. Ang sakit mang isipin pero kailangan nilang umalis.
Ayaw ko man mangyari iyon, ay kasama sa buhay iyon ng tao. Ayon ang end game. Bakit ko naman kasi pipigilan? Eh doon naman sila masaya at magiging masaya pa lalo.
I just want to see them happy forever.
Nagising ako ng 6 AM. Kaagad na dumiretso sa CR para maligo. Ang lamig pa nga ng tubig pero lakasan lang yan ng loob para makaligo ka. Kaya inbis na pabagal-bagal ako ay binilisan ko na ang pag-ligo dahil kapag pinatagal mo pa ay lalo lang lalamig.
Kaya ayon, nginig na nginig akong lumabas ng kuwarto, balat-kambing kasi ako. Pero depende sa panahon ang pagiging balat-kambing ko.
Hindi naman ako masyadong nag-ayos dahil alam kong magugulo lang din. Sayang lang ang ayos ko.
Before akong bumaba ay chi-neck ko ang mga gamit na dadalhin ko na nasa bag. Baka kasi ay may nakalimutan ako. At nang malaman kong okay na ang laman ng bag ko ay bumaba na ako para kumain.
Ako na lang mag-isa kumain dahil sila Mama at Kuya ay naghahanda na para maligo.
After kong kumain ay lumabas ako saglit at nag-tungo kila Drixx. Naabutan kong nagka-kape siya sa labas ng bahay nila. 6:00 AM pa kasi ng umaga.
Wala siyang sabi-sabi ay kaagad niya akong niyakap. Niyakap ng mahigpit. Parang ayaw niya akong mawala at umalis. Ayaw niya akong pakawalan.
"Umuwi kayo kaagad ah." Sabi niya.
"Oum, promise." Sabi ko.
"I love you." Sabi niya.
"I love you too." Sagot ko. "Alis na po kami."
"Ingat kayo doon ah. Ingat kayo sa byahe." Sabay halik niya sa noo ko. Niyakap ko naman siya at niyakap niya ako pabalik.
At pagkatapos naman niyon ay kinuha na ang mga gamit namin ni Kuya Junior at isinakay na sa likod ng van. After naman niyon ay sumakay na kami. At inistart na ang engine at umalis na kami.
🌹 🌹 🌹
"Bakit ang ganda mi ate?", tanong ng bakla na nagma-make up sa akin.
Natawa lang ako dahil wala naman akong maisasagot.
Wedding day na kasi ngayon.
Si Ate Maymay ngayon ay nasa labas at nagpi-pictorial na kasama si Kuya Reign. Ako naman ay malapit nang matapos ang pagma-make up sa akin.
Ako kasi ang ginawang maid of honor ng kasal nila. Tapos nakita ko iyong dress na susuotin ko maya-maya ay ako lang ang naiiba. Sabi naman ni Ate Maymay ay ganoon daw talaga iyon. Naiiba daw ako compared sa mga bridesmaid.
Wala naman masyadong nangyari ngayon at puro picture lang naman kami kaya fast forward na tayo sa ngayon kung saan patungo na kaming simbahan.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Genç KurguSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
