Chapter 44

8 0 0
                                        

Kanina pa ako naiinis kay Drixx dahil hindi man lang ako chi-nat simula kanina.



Siguro may babae talaga itong lalaking ito.



Nanggigigil talaga ako sa kaniya.



At dahil hindi na ako makatiis ay chi-nat ko na siya.



Ako na maga-adjust. Kagigil eh.



Sophia: Hoy



Drixx: Po



Sophia: So hindi mo talaga ako icha-chat kapag di ko inunahan?



Drixx: Kumain ka na



Sophia: So ganiyanan? Okay fine



Drixx: Kumain ka na ba babylove?



Sophia: Hindi mo ko madadaan diyan



Drixx: Babylove naman sorry na
Drixx: Ngayon nga lang ako nag-online eh



Aba at nagsinungaling pa ito. Eh sino yong nag-online kanina aber?



Sophia: Nag-online ka nga kanina



Drixx: Ano kumain ka na ba?



Sophia: Akala mo hindi ko malalaman



Drixx: So, pagtatalunan pa natin yon?
Drixx: Na ano na naman?



Sophia: Wala... Basta



Drixx: Kain ka na kasi



Sophia: Ayaw ko nga



Drixx: I love you



Akala niya ba madadaan niya ako sa ganiyan? Puwes ako hindi!



Sophia: Ikaw na lang... Kung gusto mong kumain, go



Drixx: Nakita mo ako kanina di mo man lang ako nginitian



I saw him kanina... Wearing a mask.



Siguro para cool.



Drixx: Ahh ayaw mo?



Sophia: Bakit ko gagawin?



Right after ko ma-send ang chat ko sa kaniya ay biglang nag-log ang phone ko.



Drixx is calling...



Kaya pala ako nag-log bigla.



Pinatay ko nga... At baka mainis lang ako lalo sa kaniya.



Maya-maya ay tumawag na naman siya.



I gave a sigh... And answered the call.



"Oh?", bungad ko sa kaniya.



(Tino-topak ka na naman babylove)



Napa-kunot noo naman ako sa sinabi niya.



"Oh?", pag-uulit ko.



(Umayos ka nga)



I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now