Chapter 54

5 0 0
                                        

Nang magising ako ay naghilamos na kaagad ako sa kuwarto at bumaba. Habang pababa ako ng hagdan ay may naririnig akong humahagulgol kaya dali-dali akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina.

At nakita ko sila Mama, Kuya Reign, Kuya Ram at Kuya Loel. Humahagulgol si Mama habang may kausap sa phone. Lumapit naman kaagad ako para malaman kung ano ang nangyari. 

Kinalabit ko si Kuya Ram.

"Kuya, ano daw nangyari?", tanong ko.

"Patay na daw siya." napakunot-noo ako sa sinabi niya. Anong patay na siya? Sino?

"Sino?", kunot-noong tanong ko. Sino ba?

"Si Tito Jeffrey, patay na."

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Si Tito Jeffrey namatay na? 

Paano nangyari yon? Eh last week na nandoon kami ay malakas pa siya eh, masaya pa nga siya na bumisita kami sa kanila eh. Masaya pa nga silang nagku-kuwentuhan nila Mama eh. Malakas pa siya nang huli ko siyang makita. 

Pero ano yong narinig ko awhile ago? Na patay na siya? Bakit? Paano nangyari iyon?

"Anong oras daw?", tanong ko.

"Wala pa daw ala-sais." napatingin naman ako sa wall clock namin at quarter to 8 na ng umaga.

Hindi ko na nagawang uminom ng kape dahil nanghihina ako.

Bakit gaanoon? Bakit kahit mabuti at bukal na sa loob mo gumawa ng mga mabubuting bagay, bakit sila pa ang kinu-kuha kaagad? Napaka-buti ni Tito, pero bakit ganoon? Mayroon namang iba diyan na sobrang sama ng mga ginagawa, pero pinagpapatuloy lang. Bakit ganoon? Bakit ang unfair?

Umakyat ako sa kuwarto at dumiretso sa veranda. 

Tumingin ako sa langit.

'Tito, hindi man ako nakapagpaalam sa'yo, pero salamat pa din sa lahat-lahat. Hindi kita malilimutan, pangako yan.'

'Tito, kung nasaan ka man ngayon, I know you're happy in there already.'


____________________________________________________________________________________________________________

A/N: New Years Eve update! I hope you like it. Salamat sa inyong lahat dahil naginh bahagi kayo ng 2022 ko. I love you all!!! Spread love to everyone. Manigong bagong taon...

God bless sa atin and Stay safe !!!

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now