"Anong ibig sabihin n'on?", tanong ko kay Drixx.
Nandito kami sa loob ng bahay namin. Wala si Kuya Reign, kaya okay lang naman daw.
Kagabi kasi ay napanaginipan ko si Drixx at Dobi.
Ganito...
I saw Drixx na tumu-tulong sa paggawa ng bahay. May ginagawa kasi silang ganoon. Kaya pumunta ako sa likod at nakita ko siya...
Si Dobi...
Nakita ko siya at nakita niya ako...
'Kilala ko 'to ah." Sabi ko sa isip ko.
At siya naman ay kumunot ang noo. Tila ba kilala niya din ako.
Pabalik na ako kay Drixx nang lumingon akong muli kay Dobi...
And I saw him...
He smiled at me.
At saka ako umalis...
"Ibig sabihin n'on, matagal kayong hindi nagkita." At dahil doon ay para akong kinabahan bigla.
Binlock kasi ni Drixx si Dobi sa account ko, sa lahat ng contacts namin. Kaya hindi na kami nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw.
Sa totoo lang, parang nami-miss ko siya.
Nga pala, unti-unti nang nagiging okay. Hindi man lahat pero alam kong umo-okay na. Start na rin pala ng pasok last August. And last week na ng October ngayon. Ang bilis ng araw 'no? At malapit na ang Christmas. Malapit na din matapos ang taon. Ano pa nga ba?
Drixx told me na dito daw sila magpa-pasko ng family niya. Kaya okay. Okay na okay.
Makakasama ko siya sa pasko at new year nang panandalian lang.
Noong birthday ko naman ay okay lang, kaunting salo-salo. Pero kahit na kaunti lang iyon, ay okay na ako. Masaya na ako. As long as kasama ko ang mga mahahalagang tao para sa akin.
🌹🌹🌹
Nasa school kami ngayon ni Shane. Actually nasa bench kami nakaupo pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito, may hinihintay ba or may something.
Palinga-linga ako dahil parang hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit.
Maya-maya ay may kumalabit sa akin.
Sa kalabit na iyon ay tila ba kinabahan ako kaya tumingin kaagad ako sa kumalabit. And I froze when I saw his face.
Nandito na naman siya?
Nang makita ko siya ay kaagad siyang ngumiti sa akin.
Maya-maya ay tila ba nag-iba ang paligid. Iyong katulad sa Narnia, dumaan lang iyong tren eh kaagad na nag-iba ang paligid. Dito naman sa akin ay humangin lang nag-iba na ang paligid. Kung kanina ay nasa bench kami ng school, ngayon ay nasa palayan kami. Tumatawid kaming dalawa sa gitnang bahagi ng palayan.
Naka-uniform pa rin kaming dalawa. But this time, nawala sa paningin ko si Shane.
Where did she go?
Hawak-kamay kaming naglalakad at tumatawa kaming dalawa.
Hindi ko alam kung paano kami napunta sa lugar na ito.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
