"Bakit daw kayo nag-break?", tanong ni Shane kay Wendell.
"Basta." sagot naman ni Wendell.
"Ito parang hindi naman kaklase." singit ko sa usapan nila.
"Kaya nga... Sabihin mo na." si Shane.
"May babae ka 'no?", tanong ko sa kaniya.
"Wala ah. Mahal na mahal ko yon." sagot naman agad ni Wendell.
"Oh? Eh bakit kayo nag-break?", pangungulit ni Shane.
Nandito kami ngayon sa People's Park, katabi ng East Town Center. Tapos na kasi ang klase namin kaya tumambay pa kami dito.
Kaya lang, pumunta dito si Wendell kaya inulan namin siya ng tanong. Kung bakit sila nag-break ni Julienne, kaklase din namin.
"Eh kasi ano eh..." napatingin kami kay Wendell.
"Kasi bumagsak ako sa dalawang subject natin kaya ako nakipag-break."
"What? Dahil lang doon nakipag-break ka na?", pasigaw kong tanong.
"Oo, baka kasi sabihin ni Mama na ang lakas kong mag-girlfriend, hindi ko naman pala ma-priority yong studies ko."
"Tss. That's not a valid reason."
"Eh puwede naman kayong magtulungan ah." sagot naman ni Shane.
"At saka alam mo... Yong dahilan na iyan... Walang-wala yan sa break up namin ng ex ko at kay Sophia."
Tama si Shane, walang-wala sa'kin ang pag be-break nilang ganiyan.
Kaya lang naman kami nag-break ni Drixx at dahil kay Mama. Nalaman ni Mama na kami ni Drixx, tapos sabi naman ni Mama, iwasan ko na daw si Drixx. At lagi kong sinasabi kay Mama na mabuting tao si Drixx pero hindi talaga nakikinig sa'kin.
Pinaglaban naming dalawa iyon ni Drixx, di rin nagtagal bumitaw siya. Pinabayaan ko na lang kasi yon yong gusto niya. At isa pa, yon yong makakabuti sa aming dalawa.
No'ng una, umiiyak pa ako at baka marealize ni Mama na mali siya. But later on, nagkamali ako. Hinayaan niya lang akong maging ganoon.
Isa pa, ayaw pa ni Mama na magka-boyfriend ako dahil daw ay baka ma-buntis ako ng maaga. Is she serious of that? I'm only 16. We're both 16. Ang dami ko pang pangarap. Marami pa kaming pangarap no Drixx. He told me before he wants to be lawyer. Ang taas na no'n diba?
Bakit kaya ganoon ang mga nanay? Masyadong OA?
Kaya sinanay ko na lang yong sarili kong wala ng Drixx sa buhay ko. Kahit magkapit-bahay lang naman kami.
China-chat niya pa din ako ni Drixx na 'Hey, musta na?'
But God knows na gusto ko siyang replyan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayoko ng nagagalit sa akin si Mama. Kaya kahit mahirap, kakayanin ko. I can sacrificed my happiness just to be with my Mom.
And nong stage play nga ay nakilala ko si Dene Gomez, kaya yon nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
And speaking of him, nakita ko sa Facebook niya na nagbubuhat siya ng plywood. Dragon boat racer kasi siya eh. Hihihi.
"Kami nga ng jowa ko, di kasi namin nakayanan ang LDR." Naputol ang pagmuni-muni ko at napatingin nang marinig ko ang sinabi ni Shane.
"Bakit?", curious namang tanong ni Wendell.
Echoserang Shane 'to. NBSB nga yan eh. Haay naku Wendell. Uutoin ka lang niyan.
"Eh kayo Sophia, bakit kayo nag-break?", tanong sa akin ni Wendell.
"Ayoko nang balikan yon." sagot ko na lang.
"Malay mo, kaya hindi kayo ngayon dahil kayo sa future." Sabi ni Shane sa aming dalawa.
Nag-kuwentuhan lang sila doon ng kung anu-ano. Ako naman ay naka-earphone lang. 6:30 PM na kaya napag-pasyahan na naming umuwi.
Pagdating ko sa labas ng subdivision namin ay nakita ko si Drixx na may binu-buhat na balde.
And everytime na bubuhatun niya yong balde ay tumi-tingin siya sa'kin.
Nagkunwari na lang akong hindi ko alam yon at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Malay niyo... Kaya hindi kayo ngayon kasi kayo in the future. Wait that time comes maybe this isn't the right time to be together. And if the right time comes. Waiting is worth it."
Saan kaya napulot ni Shane ang line na iyon?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
