Chapter 56

4 0 0
                                        

Nakangiti akong pumunta sa bahay ni Dina. Ewan ko ba, pero nakangiti ako.


Nang makarating ko ang bahay nila ay nadatnan kong walang tao kaya tumalikod na at magsisimula nang maglakad nang bigla kong makita si Matthew... Nang nakangiti. Kaya napangiti.


Sabay kaming naglakad palapit sa isa't-isa at niyakap niya ako kaya at niyakap ko din siya pabalik... Ng sobrang higpit.


Yong tipong ngayon lang ulit kami nagkita at nagkasama... Tipong ayaw niya na akong pakawalan.


Hinawakan niya ang kamay ko sabay halik sa noo ko. Tiningnan ko naman siya at abot-tengang ngiti ang nakikita ko sa labi niya.


"Na-miss kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya.


Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad sa subdivision.


Ang saya-saya pa namin.


Maya-maya ay biglang naglaho ang lahat. At napamulat ako sa kuwarto.


Tumingin-tingin ako sa loob ng kuwarto ko at na-realize ko na lang na isa na naman iyong panaginip.


Pero bakit ako kinabahan?


Kinagabihan ay sinabi ko kay Drixx ang lahat. And he say... There's nothing to worry about because it was just a dream. At ang sabi niya pa ay kabaliktaran ang mangyayari.


Bigla akong napaisip...


Kung kabaliktaran ang mangyayari, posibleng hindi ko makatuluyan yong lalaking malabo ang mukha sa panaginip ko? At puwedeng si Drixx ang makatuluyan ko?


Pero...


Ano ba talaga?


I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now