2

7.2K 164 1
                                    

Eniki's pov

Nasan ako?! Mukhang heaven na'to ah!

Naku naman Nanay ang aga mo naman akong kinuha gusto ko pa pong mag-asawa!

Nay naman di pa ko ready na humarap jan!

Pero teka...

Mukhang langit na nga 'to puro puti eh T.T

May lumapit sa'king matanda siya na ba si San Pedro?!

"huhuhu San Pedro kung tatanungin niyo po ako hindi po ko masamang tao! Mabait po akong bata-" tumigil ako ng kusa kasi nagtataka yung mukha niya tas..

"BwahahahhahhHahhaahahha"

Eh?!

Natuluyan ba si lolo?

"Naku! Iha hindi ako si San Pedro! Ano ka ba wala naman  akong dalang manok!" natata2a niya pang sagot at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ko lang.

"iniwan niyo po" nagtataka pa din akong nakatingin  sa kanya.

"pfft- wala, buhay ka pa nasa hospital kalang"sabi niya..

"ganun po ba? Salamat po huh sa pagdala sa'kin dito"nahihiya ko pang sabi. Napangiwi pa ako ng maramdaman ang sakit sa may gilid ng balakang ko.

Nabalian pa ata ako yan kasi akala ko naging darna ako ng mga oras na yun.

" No! Ako dapat ang magpasalamat sayo thank you for saving me"nakangiti niyang sabi.

"wala po yun idol ko lang si Darna" ginaya ko pa ang pagtaas ni darna sa kamay niya sa ere kaya mas lalong natawa si lolo.

"hahaha your so funny by the way anong number sa inyo para malaman nilang andito ka"

"wag na po.. Mag-isa nalang po kasi ako sa world"

Kawawa ba pakinggan? pero ilang taon na din akong ganito kaya sanay at kering-keri ko na!

"ganun ba? Eh boyfriend?" halos lumuwa ang eyeballs ko sa tanong ni Lolo.

Si Lolo echosero -_-

"NBSB po ako sa ganda ko pong to wala pong papatol"ngumiti naman si Lolo sa akin. Ano kaya feeling ng may lolo? Wala kasi ako nyan.

Lumaki kasi akong kami lang talaga ni Nanay sa bahay. Ang sabi ni Nanay malayo daw kasi ang bahay ng magulang niya at hindi namin kayang pumunta doon. Kaya naman hindi ko din nakilala ang grandparents ko. Masaya kayang may Lolo at Lola?

"Maganda ka iha kulang kalang sa arte"sabi niya napangiwi lang naman ako.

Sa Tanang buhay ko dalawa lang pumupuri sa akin  syempre ang kaharap ko sa salamin at si Nanay Violeta noon kaya nakapagtataka si Lolo.

"Ikaw lolo may kukuha na ba sa'yo rito?"nag-aalala kong tanong kay lolo. Tumango-tango naman siya.

"Ahh oo meron na wag ka mag-alala iha pupunta pa rin ako dito utang ko sayo buhay ko" nakangiti pa siya sa akin habang sinasabi iyon.

" 'Wag ka mag-alala lolo hindi po ko 5 6 para may tubo hihi" biro ko tawa naman siya ng tawa.

"Anong pangalan mo Iha?"

"Eniki po at your service!" umakto pa ako ng saludo sa kanya na sinuklian niya ng matamis na ngiti.

Ano kaya brand ng toothpaste ni lolo?

Ang puti kasi ng ipin niya nakakahiya naman sa gilagid ko.

"Ako naman si Russel"sabay abot ni lolo sa kamay niya kaya naman inabot ko iyun para makipagkamay.

"Nice to meet you po lolo Russel!"

"Ang hyper mo talaga hahaha nakakatuwa kang bata"

At ayun tawa kami ng tawa kwentuhan na din nalaman kong isa lang ang anak niya at dalawa ang apo niya. Yung isa daw niyang apo napakasungit daw parang pinaglihi sa leon at yung isa naman daw ay parang pinaglihi sa yelo kakaiba pala mga apo niya.. Buti nga sila eh may tatay at nanay na may lolo pa tsk!
Sarap kaya sa feeling ng may nakakasama at nakakausap ka sa bahay.

Yung may nakakasabay kang kumain at may mga tao kang napagsasabihan ng araw-araw na nangyayari sa buhay mo.

At ngayon andito pa din si lolo pero kapwa kami titig na titig sa palabas kung ano?

SLAMDUNK
HAHAHA!

Natatawa ako kay Sakuragi eh! Bakit ba pambata lang ba ang anime? Eh pati nga si lolo tawa ng tawa eh hahaha.

Nakakatawa kasi ang itsura ni Sakuragi kapag naiinis siya kay Rukawa.

"lolo sino favorite mong character diyan?" ngumiti naman sya at sumagot ng-

"Wala naman akong kilala jan eh"
-_- pambihira!

"Ikaw?" baling niya sa akin..

"Ako ang gusto ko talaga si Rukawa gwapo eh pero gusto ko ang attitude nung bida never give up!"tumango tango lang si Lolo kaya bumalik na kami sa panunuod.

"Pa!"

0.0

"Ano ka ba Reisha papatayin mo naman ako eh!" sabi ni Lolo.
Napahawak  pa si lolo at ako sa mga dibdib namin. Akala ko humiwalay ang kaluluwa ko sa bigla.

Pero teka ang ganda niya naman. Maikli ang buhok niya na hanggang balikat lang at para siyang anghel sa sout niyang dress na puti na tumerno sa bag niyang peach na maliit na ang laman lang ata ay celphone niya. Ang ganda din ng sout niyang silver na doll shoes at bumagay sa kanya ang sout niyang relo. Napaiwas nalang ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

 Napaiwas nalang ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ok kalang ba Pa?" sabi niya habang papalapit kay Lolo..

"Im fine sya ang nagligtas sa akin. Eniki this is my daughter Reisha" tumingin sa'kin yung babae tas.

Sinampal niya ako..

Pero syempre biro lang! Ang totoo yinakap nya ako ng bongga!

"Maraming salamat"sabi niya at kumawala sa pagyakap sa akin.
"wala po yun" sagot ko naman..

Nalaman kong anak pala siya ni Lolo Russel ang sweet nga nila eh. Bigla ko tuloy namiss ang Nanay ko. Nakakamiss ng may nag-aalaga sa iyo.

Nag-uusap lang sila ng bigla silang bumaling sa akin.

"Reisha I want her to be part of our family"

0.0

Halos lumabas na pati ang optic nerve ko sa naririnig ko.

"Me too pa I like her"

0.0
"ah.. Eh" ako yan wala akong masabi eh!
" Then what do you think?"
"hmn adopt her?"

0.0

Hala! May mga ano ba to sila?!
Bakit parang wala lang sila kung mang-ampon ng tao.
Napalunok nalang ako sa mga naririnig ko.

"I have a better Idea" sabi ni lolo kaya napatingin kami sa kanya..

"What?"

"To marry your son"

HANNUUUUUU??!!!!!

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon