69

2.9K 62 0
                                    

Eniki's pov

"Eniki!!!!!" nagising ang natutulog kong diwa ng may sumigaw ng ubod lakas sa baba ng hagdan.

Natawa naman si Ranz sa naging reaksyon ko. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Mom, lumipad ang diwa niya dahil sa sigaw mo"natatawang sabi ni Ranz.

"Sorry my dear!"sabi naman ni Tita habang nasa tabi niya si Mama at nakangiti.

"Ano ba kasi yun?"tanong ni Ranz.

"Aish! Aalis tayo at aasikasuhin ang kasal niyo! Engrande ang kasal na yun at lahat imbitado! Waah naeexcite ako"masayang sabi ni Tita Reisha at hinawakan pa si Mama.

"Okay"sagot ni Ranz kaya nagulat kaming lahat.

"What?" hinipo ko naman ang noo niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ranz? Ikaw ba yan?"takang tanong ni Tita.

"Tss"sagot niya.

"Excited ka na din ba?"tanong ko dahilan para mamula siya.

"Ommo! namula ang anak ko nakita mo ba yun Mars!"sigaw ni Tita habang bumabaling kay Mama.

Ngumiti lang naman si Mama.

"Mom!"sigaw ni Ranz at umakyat pabalik.

"Wife! Tara na magbihis ka na!"tumawa lang ako at hinawakan ang kamay ni Ranz habang paakyat kami.

"Kanina ka pa"iritang sabi ni Ranz sa akin habang nasa biyahi kami.

"Nakakapanibago ka kasi haha"sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Madaming nagbago sa akin simula ng mahalin kita kaya wag ka na magtaka"sabi niya dahilan para ako naman ang mamula.

"Nanalo din ako"nakasmirk niyang sabi at pinaharurot na ang kotse.

"Flowershop daw muna tayo"sabi ko habang nakatingin sa planner na bigay ni Tita.

Pagdating namin sa flowershop lahat ng staff ay nakayuko sa aming dalawa.

"This way Ma'am"sabi nung isang cashier. Napangiti ako ng makita ang mga whiterose.

"Same orders nung kasal ko"rinig kong sabi ni Ranz.

"Pero dapat sa bride ko lang ang whiterose. It would be nice if the bridesmaid should have the pink rose"sabi pa niya at naglibot ng tingin sa loob.

Napatingin naman ako sa isang lalaking nakatingin ng mataman sa amin ni Ranz mula sa labas tapos biglang naglabas siya ng baril at tinutok iyun kay Ranz.

"Ranz!"sigaw ko at mabilis na itinulak siya kasabay ng isang malakas na putok.

"Waaah!"sigawan nalang ang narinig ko.

"Wife! Are you okay? Are you hurt?! Damn!"sigaw ni Ranz habang pinapaupo ako.

"Wala akong sugat. Ikaw? Ayos ka lang ba?! Ranz Ikaw ang babarilin niya"sabi ko habang kinakain ng kaba ang sistema ko.

Masyado kaming naging kampante sa paglabas lang ng bahay. Akala ko ayos na ang lahat pero bakit ganito?

Xam's pov

"What?!"sigaw ko at agad pumunta sa sinasabi nilang Flowershop kung nasaan ang mag-asawang Ranz at Yanna.

Pagdating ko doon ay andun na din ang lahat pati na ang mga tauhan ni Lolo.

"What happen?!"sigaw ko at niyakap kaagad si Yanna.

"Okay lang ako kuya"sabi niya at niyakap ako pabalik.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon