36

2.9K 78 1
                                    

Eniki's pov

"Hi"liningon ko ang nagsalita at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Carlz.

Balik sa normal na ang school. Wala na yung mga tent at panalo pa sa lahat ng competition ang Royale Class.

"Carlz!"sabi ko at ngumiti.

Tumabi naman siya sakin at sabay kaming naglalakad. Nauna na kasi si PloRanzio at may gagawin pa daw siya kaya naman hindi kami nagkasabay.

Araw araw na nga nakakataggap ako ng mga Note na puro banta at paninira. Nasasanay na nga ako eh. dinaig ko pa mga artista sa dami ng bashers.

"Kamusta?"tanong niya.

"Ok lang naman"sagot ko.

Di naman siya umimik at tahimik lang na naglalakad sa tabi ko.

May problema kaya siya?

"Mauna na ako"paalam niya at umalis na.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad ulit.

Baka naman kasi may iniisip lang si Carlz na importante o baka-

0.0

O baka dahil sa nangyari nung laro!
Nung naghalikan si Ranz at
Trisha.

Kasi di ba may gusto si Carlz kay Trisha!

*tugsh!*muntik akong matumba ng mabangga ako sa matigas na bagay.

Buti nalang may nakahawak na kamay sa bewang ko kaya hindi ako natumba. Napaangat ako ng tingin at umayos ng tayo ng makita ang mukha niya.

"Jacob"sabi ko.

"Di ka nakatingin sa daan"sabi niya.

Nahihiyang ngumiti ako. Nakatayo kaming dalawa sa bukana ng building namin papasok na kasi ako at palabas naman siya.

"Tapos na ang College battle di ba?"tumango naman siya.

"May kinuha lang ako"sabi niya.

Napatango nalang ako. Buti nalang at andito si Jacob kung hindi baka napasubsob pa ako.

"Sige ah! Papasok na ako..."masaya kong sabi at pumasok na.

"Eniki!"napalingon ako ng sumigaw siya at bigla niya akong yinakap at-

*boogsh!*

Natumba kaming dalawa. Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ako nakapagsalita.

"Ayos ka lang?"tanong niya.

Tumango naman ako at tatayo na sana ng-

"Jacob!"sigaw ko ng bigla siyang nawalan ng malay.

Carlz pov

"Oh my God! Carlz!"sigaw ni Mhiane na agad akong hinila at tumakbo.

"Mhiane what's happenning?"naguguluhang tanong ko.

Pumasok naman siya sa gitna ng mga taong nagsisitayuan at nagbubulungbulongan.

Nagulat naman ako ng makita si Eniki na umiiyak at si Jacob na isinakay sa Ambulansiya.

Hinila ko ang isang nag-iimbestiga.

"Anong nangyari?"

"Nahulogan ng paso sa ulo si Mr.Sebastiano.."tumango ako at lumapit kay Eniki. Kailangan ako ni Eniki.

"Eniki"tawag ko sa kanya agad niya naman akong yinakap.

Nanginginig siya at hikbi ng hikbi. Takot na takot siya nararamdaman ko sa higpit ng hawak niya sa akin.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon